Top 12 Bible Verses Na Makakatulong Para Patuloy Na Magtiyaga
(Pagnilayin at Isapuso)
- Pero kung ang inaasahan nati'y wala pa, maghihintay tayo nang may pagtitiyaga. - Roma 8:25 ASND
- Tularan n'yo ang pagtitiyaga at pagtitiis ng mga propeta na mga tagapagsalita ng Panginoon. - Santiago 5:10 ASND
- Ngunit ikaw, Timoteo, alam mo lahat ang itinuturo mo, ang aking pamumuhay, layunin, pananampalataya, pagtitiyaga, pag-ibig at pagtitiis. - 2 Timoteo 3:19 ASND
- Pinatunayan namin sa lahat na kami ay mga tunay na lingkod ng Dios sa pamamagitan ng aming malinis na pamumuhay, kaalaman, pagtitiyaga, kagandahang-loob, sa pamamagitan ng patnubay ng Banal na Espiritu sa amin, sa tapat na pag-ibig. - 2 Corinto 6:6 ASND
- Alam ko ang mga ginagawa ninyo pati ang inyong mga pagsisikap at pagtitiyaga. Alam ko rin na hindi ninyo kinukunsinti ang masasamang tao. Siniyasat ninyo ang mga nagpapanggap na apostol, at napatunayan ninyong mga sinungaling sila. - Pahayag 2:2 ASND
- At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng katatagan, at ang katatagan naman ay nagbubunga ng pag-asa. - Mga Taga-Roma 5:4 RTPV05
- Hindi lamang iyan. Ikinagagalak din natin ang mga kahirapang ating tinitiis, dahil alam nating ito'y nagbubunga ng pagtitiyaga. - Mga Taga-Roma 5:3 RTPV05
- Sa malumanay na pakiusap pusong bato'y nababagabag, sa pagtitiyaga pati hari ay nahihikayat. - Ang Mangangaral 7:8 RTPV05
- Idinadalangin din naming patatagin niya kayo sa tulong ng kanyang dakilang kapangyarihan, upang inyong matiis na masaya at may pagtitiyaga ang lahat ng bagay. - Mga Taga-Colosas 1:11 RTPV05
- Nalalaman ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay higit kaysa noong una. - Pahayag 2:19 RTPV05
- Ang mga nahasik naman sa matabang lupa ay ang mga nakikinig ng salita ng Diyos at nag-iingat nito sa kanilang pusong tapat at malinis, at sila'y namumunga dahil sa pagtitiyaga. - Lucas 8:15 RTPV05
- Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan - Mga Taga-Galacia 5:22 MBBTAG12
YOU MAY ALSO LIKE:
Comments
Post a Comment