Skip to main content

Posts

Showing posts from September 6, 2020

Verse Of The Day | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One Verse Of The Day Tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu sa kahinaan natin. Hindi natin alam kung ano ang dapat nating ipanalangin, kaya ang Espiritu na rin ang namamagitan sa Dios para sa atin sa pamamagitan ng mga daing na hindi natin kayang sabihin. - Roma 8:26 Full Chapter ROMA 8 Pamumuhay na Ayon sa Banal na Espiritu 1 Kaya ngayon, hindi na hahatulan ng kaparusahan ang mga nakay Cristo Jesus.  2 Sapagkat sa pakikipag-isa natin kay Cristo Jesus, pinalaya na tayo sa kapangyarihan  ng kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng  Banal na  Espiritu na nagbibigay-buhay.  3 Ang Kautusan ay hindi makapag-aalis ng kapangyarihan ng kasalanan sa ating buhay dahil sa kahinaan ng ating makasalanang pagkatao. Ang Dios ang nag-alis nito nang isinugo niya ang sarili niyang Anak sa anyo ng isang taong makasalanan upang handog para sa ating mga kasalanan. At sa kanyang pagiging tao, tinapos na ng Dios ang kapangyarihan ng kasalanan.  4 Ginawa ito ng Dios p