Give Thanks To The Holy One What Does The Bible Say About Faith Ang pananampalataya ay ang katiyakan na matatanggap natin ang mga bagay na inaasahan natin. At ito ay ang pagiging sigurado sa mga bagay na hindi natin nakikita. - Hebreo 11:1 Hindi lang iyan, gamitin din ninyo bilang panangga ang pananampalataya ninyo para hindi kayo tablan ng mga panunukso ni Satanas na parang mga palasong nagliliyab. - Efeso 6:16 Ngunit dapat magtiwala ang humihingi at huwag magduda, dahil ang taong nagdududa ay katulad ng alon sa dagat na tinatangay at pinapadpad ng hangin. - Santiago 1:6 Ipagkatiwala mo sa Panginoon ang lahat ng iyong ginagawa; magtiwala ka sa kanya at tutulungan ka niya. - Salmo 37:5 Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. - Kawikaan 3:5 Patatagin ninyo ang inyong pananampalataya sa Dios at labanan si Satanas. Alalahanin ninyong hindi lang kayo ang naghihirap kundi pati ang mga kapatid n'yo kay Cristo sa buong mundo. Nararana