GIVE THANKS TO THE HOLY ONE
What Does The Bible Say About Forgiveness
- Patawarin nʼyo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkasala sa amin. - Mateo 6:12
- Kahit pitong beses pa siyang magkasala sa iyo sa maghapon, kung pitong beses din siyang hihingi ng tawad sa iyo ay patawarin mo. - Lucas 17:4
- Sa halip, maging mabait kayo at maawain sa isaʼt isa. At magpatawad kayo sa isaʼt isa gaya ng pagpapatawad ng Dios sa inyo dahil kay Cristo. - Efeso 4:32
- Magpasensiyahan kayo sa isaʼt isa at magpatawaran kayo kung may hinanakit kayo kaninuman, dahil pinatawad din kayo ng Panginoon. - Colosas 3:13
- Hindi na siya mananagot sa lahat ng nagawa niyang kasalanan at dahil sa ginawa niyang matuwid, patuloy siyang mabubuhay. - Ezekiel 18:22
- Ngunit kung ipinagtatapat natin sa Dios ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin niya ang ating mga kasalanan at lilinisin tayo sa lahat ng uri ng kasamaan dahil matuwid siya. - 1 Juan 1:9
- ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas. Lilipad sila na gaya ng isang agila. Tumakbo man sila ay hindi mapapagod. Lumakad man sila ay hindi manghihina. - Isaias 40:31
- Ngunit pinapatawad nʼyo kami, upang matuto kaming gumalang sa inyo. - Salmo 130:4
- Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti. Ipaubaya ninyo iyan sa Dios. Sapagkat sinabi ng Panginoon sa Kasulatan, “Ako ang maghihiganti; ako ang magpaparusa. - Roma 12:19
- Ngunit sinasabi ko sa inyo na mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo. - Mateo 5:44
- Ngunit kung hindi ninyo sila pinapatawad, hindi rin kayo patatawarin ng inyong Ama. - Mateo 6:15
- At patawarin nʼyo kami sa aming mga kasalanan, dahil pinapatawad din namin ang mga nagkakasala sa amin. At huwag nʼyo kaming hayaang matukso. - Lucas 11:4
- Kaya nga, ipagtapat ninyo sa isaʼt isa ang mga kasalanan nʼyo at ipanalangin ang isaʼt isa para gumaling kayo. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid, - Santiago 5:16
- Huwag kang magagalit. Pigilan mo ang iyong poot. Ni huwag kang mababalisa, dahil ito sa iyo ay makakasama. - Salmo 37:8
- Walang awang hahatulan ng Dios ang hindi marunong maawa; pero ang maawain sa kapwa ay hindi kailangang matakot sa oras ng paghatol. - Santiago 2:13
- Kung pinapatawad ninyo ang mga taong nagkasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit. - Mateo 6:14
- Sa pamamagitan ng dugo ni Cristo, tinubos tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad ang mga kasalanan natin. Napakalaki ng biyayang ipinagkaloob sa atin ng Dios. Binigyan niya tayo ng karunungan at pang-unawa - Efeso 1:7-8
- Huwag ninyong husgahan ang iba, upang hindi rin kayo husgahan ng Dios. Huwag kayong magsabi na dapat silang parusahan ng Dios, upang hindi rin niya kayo parusahan. Magpatawad kayo, upang patawarin din kayo ng Dios. - Efeso 6:37
- Pagkatapos, lumuhod siya at sumigaw nang malakas, “Panginoon, huwag nʼyo silang papanagutin sa kasalanang ito na ginawa nila.” At pagkasabi niya nito, namatay siya. - Gawa 7:60
- Kung ikaw ay mahinahon, nagpapakita lang na marunong ka. At kung pinapatawad mo ang nagkasala sa iyo, makapagdudulot ito ng karangalan sa iyo. - Kawikaan 19:11
- Kaya mag-ingat kayo. “Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, pagsabihan mo siya. At kung magsisi siya, patawarin mo. - Lucas 17:3
- Idalangin ninyo sa Dios na pagpalain ang mga taong umuusig sa inyo. Pagpalain ninyo sila sa halip na sumpain. - Roma 12:14
- Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat. Sapagkat kung mahal mo ang kapwa mo, mapapatawad mo siya kahit gaano pa karami ang nagawa niyang kasalanan. - 1 Pedro 4:8
- At kapag nananalangin kayo, patawarin nʼyo muna ang mga nagkasala sa inyo para ang mga kasalanan ninyo ay patawarin din ng inyong Amang nasa langit. - Marcos 11:25
- Higit na mabuti ang taong mapagpasensya kaysa sa taong makapangyarihan. Higit na mabuti ang taong nakakapagpigil sa sarili kaysa sa taong nakakasakop ng isang lungsod. - Kawikaan 16:32
YOU MAY ALSO LIKE:
- WHAT DOES THE BIBLE SAY ABOUT “FAITH” | BIBLE VERSE
- WHAT DOES THE BIBLE SAY ABOUT “FEAR” | BIBLE VERSE
- WHAT DOES THE BIBLE SAY ABOUT “HOPE” | BIBLE VERSE
- SEPTEMBER 2, 2021 | VERSE OF THE DAY REFLECTION
- SEPTEMBER 1, 2021 | VERSE OF THE DAY REFLECTION
- AUGUST 31, 2021 | VERSE OF THE DAY REFLECTION
- A CHILD’S PRAYER (LYRICS) | WORSHIP SONG
- AS THE DEER (LYRICS) | WORSHIP SONG
- GIVE THANKS (LYRICS) | WORSHIP SONG
Comments
Post a Comment