Skip to main content

Verse Of The Day | Give Thanks To The Holy One

 Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One Verse Of The Day September 7 2020

Verse Of The Day

Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. Sundin ninyo ang mga utos ko at matuto kayo sa akin, dahil mabait ako at mababang-loob. Makakapagpahinga kayo. - Mateo 11:28-29

Give Thanks To The Holy One Verse Of The Day Photo September 7 2020

Full Chapter
MATEO 11
Si Jesus at si Juan na Tagapagbautismo

1Matapos turuan ni Jesus ang kanyang 12 tagasunod, umalis siya sa lugar na iyon upang magturo at mangaral sa mga karatig lugar.
2Nang nasa bilangguan si Juan na tagapagbautismo, narinig niya ang mga ginagawa ni Jesus, kaya inutusan niya ang kanyang mga tagasunod 3upang tanungin si Jesus, “Kayo na po ba ang inaasahan naming darating o maghihintay pa kami ng iba?” 4Sumagot si Jesus sa kanila, “Bumalik kayo kay Juan at sabihin sa kanya ang narinig at nakita ninyo: 5Nakakakita ang mga bulag, nakakalakad ang mga lumpo, gumagaling ang mga may malubhang sakit sa balat, nakakarinig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinangangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita. 6Mapalad ang taong hindi nagdududa sa akin.”
7Pagkaalis ng mga tagasunod ni Juan, nagtanong si Jesus sa mga tao, “Noong pumunta kayo kay Juan sa ilang, ano ang inaasahan ninyong makita? Isa bang taong tulad ng talahib na humahapay sa ihip ng hangin? 8Pumunta ba kayo roon para makita ang isang taong magara ang pananamit? Ang mga taong magara ang pananamit ay sa palasyo ninyo makikita. 9Pumunta kayo roon para makita ang isang propeta, hindi ba? Totoo, isa nga siyang propeta. At sinasabi ko sa inyo, higit pa siya sa isang propeta. 10Siya ang binabanggit ng Dios sa Kasulatan, ‘Ipapadala ko ang aking mensahero. Mauuna siya sa iyo upang ihanda ang dadaanan mo.’ 11Sinasabi ko sa inyo ang totoo, walang taong isinilang na mas dakila pa kay Juan. Ngunit mas dakila kaysa sa kanya ang pinakahamak sa mga taong kabilang sa kaharian ng Dios. 12Mula nang mangaral si Juan hanggang ngayon, nagpupumilit ang mga tao na mapabilang sa kaharian ng Dios. 13Sapagkat bago pa dumating si Juan, ipinahayag na ng lahat ng propeta at ng Kautusan ni Moises ang tungkol sa paghahari ng Dios14At kung naniniwala kayo sa mga pahayag nila, si Juan na nga ang Elias na inaasahan ninyong darating. 15Kayong mga nakikinig, dapat ninyo itong pag-isipan!”
16“Sa anong bagay ko maihahambing ang henerasyong ito? Katulad sila ng mga batang nakaupo sa plasa na sinasabi sa kanilang kalaro, 17‘Tinugtugan namin kayo ng tugtuging pangkasal, pero hindi kayo sumayaw! Umawit kami ng awit para sa patay, pero hindi kayo umiyak!’ 18Katulad nga nila ang mga tao ngayon, dahil nang dumating dito si Juan, nakita nilang nag-aayuno siya at hindi umiinom ng alak, kaya sinabi nila, ‘Sinasaniban siya ng masamang espiritu.’ 19At nang dumating naman ako, na Anak ng Tao, nakita nilang kumakain ako at umiinom, at sinabi naman nila, ‘Ang taong iyan ay matakaw at lasenggo, at kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng iba pang makasalanan.’ Ganoon pa man, ang mga taong sumusunod sa kalooban ng Dios ay sumasang-ayon na tama ang ipinapagawa ng Dios sa amin.”
Babala sa mga Bayang Hindi Nagsisisi
20Pagkatapos, tinuligsa ni Jesus ang mga bayang nakasaksi ng maraming himala na kanyang ginawa, dahil hindi sila nagsisi sa kanilang mga kasalanan. 21Sinabi niya, “Nakakaawa kayong mga taga-Corazin! Nakakaawa rin kayong mga taga-Betsaida! Sapagkat kung sa Tyre at Sidon naganap ang mga himalang ginawa ko sa inyo, matagal na sana silang nagsuot ng sako at naglagay ng abo sa kanilang ulo upang ipakita ang kanilang pagsisisi. 22Kaya tandaan ninyo na sa Araw ng Paghuhukom, mas mabigat na parusa ang tatanggapin ninyo kaysa sa mga taga-Tyre at taga-Sidon. 23At kayo namang mga taga-Capernaum, baka akala ninyoʼy papupurihan kayo kahit doon sa langit. Hindi! Ibabagsak kayo sa impyerno! Sapagkat kung sa Sodom nangyari ang mga himalang ginawa sa inyo, nananatili pa sana ang lugar na iyon hanggang ngayon. 24Kaya tandaan ninyo na sa Araw ng Paghuhukom, mas mabigat na parusa ang tatanggapin ninyo kaysa sa mga taga-Sodom.”
May Kapahingahan kay Jesus
25Nang oras ding iyon, sinabi ni Jesus, “Pinupuri kita Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil inilihim mo ang mga katotohanang ito sa mga taong ang akala sa sarili ay marurunong at matatalino, pero inihayag mo sa mga taong tulad ng bata na kaunti lang ang nalalaman26Oo, Ama, pinupuri kita dahil iyon ang kalooban mo.”
27 Pagkatapos, sinabi niya sa mga tao, “Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang mga taong nais ng Anak na makakilala sa Ama.

Worship Song Video
Calm and Relaxing Music

Inspirational Quote
If you get tired, learn to rest not quit.

Related Bible Verse Video
How Are Your Feeling Hurt

Comments

POPULAR POSTS

Ang Buhay Ng Kristiyano Ay Masayang Tunay Lyrics | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One Ang Buhay Ng Kristiyano Ay Masayang Tunay Lyrics Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay, masayang tunay Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay I’ve got spirit in my HANDS God Is keeping me alive He’s keeping me alive, keeping me alive I’ve got spirit in my HANDS God Is keeping me alive Jesus is keeping me alive   Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay, masayang tunay Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay   I’ve got spirit in my HEAD God Is keeping me alive He’s keeping me alive, keeping me alive I’ve got spirit in my HEAD God Is keeping me alive Jesus is keeping me alive   Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay, masayang tunay Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay   I’ve got spirit in my SHOULDER God Is keeping me alive He’s keeping me alive, keeping me alive I’ve got spirit in my SHOULDER God Is keeping me alive Jesus is keeping me alive   Ang buhay

Diyos Ka Sa Amin Cover Lyrics | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One Diyos Ka Sa Amin  Lyrics O Diyos, ikaw ang tunay na dakila sa mundo Ikaw ang haring nagmahal ng tulad ko Ginawa Mo'ng lahat Pag-ibig Mo ay tapat at wagas O Diyos, wala nang papantay  Sa kabutihan Mo Ang ngalan Mo'y itataas sa buhay ko Sundin ang loob Mo iparinig ang nais Mo Sa lahat ng panahon, Diyos ka sa amin Sa lahat ng oras, nariyan para sa amin Panginoong Hesus, purihin Ka Dakilain Ka sa buhay ko aking Ama O Diyos, ikaw ang tunay na dakila sa mundo Ikaw ang haring nagmahal ng tulad ko Ginawa Mo'ng lahat Pag-ibig Mo ay tapat at wagas O Diyos, wala nang papantay Sa kabutihan Mo Ang ngalan Mo'y itataas sa buhay ko Sundin ang loob Mo iparinig ang nais Mo Sa lahat ng panahon, Diyos ka sa amin Sa lahat ng oras, nariyan para sa amin Panginoong Hesus, purihin Ka Dakilain Ka sa buhay ko aking Ama Sa lahat ng panahon, Diyos ka sa amin Sa lahat ng oras, nariyan para sa amin Panginoong Hesus, purihin Ka Dakilain Ka sa buhay ko Di nagbabago, Diyos Ka

What Does The Bible Say About Fear | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One What Does The Bible Say About Fear Bible Verse  There is no fear in love, but perfect l ove casts out fear, for fear has to do with punishment, and whoever fears has not reached perfection in love. - 1 John 4:18 Don't be wise in your own eyes; fear the Lord, and turn away from evil. - Proverbs 3:7 for God did not give us a spirit of cowardice, but rather a spirit of power and of love and of self-discipline. - 2 Timothy 1:7 Do not worry about anything, but in everything by prayer and supplication with thanksgiving let your requests be made known to God. - Philippians 4:6 when I am afraid, I put my trust in you. - Psalms 56:3 I sought the Lord, and he answered me, and delivered me from all my fears. - Psalms 34:4 do not fear, for I am with you, do not be afraid, for I am your God; I will strengthen you, I will help you, I will uphold you with my victorious right hand. - Isaiah 41:10 I hereby command you: Be strong and courageous; do not be frightened or

What Does The Bible Say About Faith | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One What Does The Bible Say About Faith  Bible Verse  Ang pananampalataya ay ang katiyakan na matatanggap natin ang mga bagay na inaasahan natin. At ito ay ang pagiging sigurado sa mga bagay na hindi natin nakikita. - Hebreo 11:1  Hindi lang iyan, gamitin din ninyo bilang panangga ang pananampalataya ninyo para hindi kayo tablan ng mga panunukso ni Satanas na parang mga palasong nagliliyab. - Efeso 6:16  Ngunit dapat magtiwala ang humihingi at huwag magduda, dahil ang taong nagdududa ay katulad ng alon sa dagat na tinatangay at pinapadpad ng hangin. - Santiago 1:6   Ipagkatiwala mo sa Panginoon ang lahat ng iyong ginagawa; magtiwala ka sa kanya at tutulungan ka niya. - Salmo 37:5  Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. - Kawikaan 3:5  Patatagin ninyo ang inyong pananampalataya sa Dios at labanan si Satanas. Alalahanin ninyong hindi lang kayo ang naghihirap kundi pati ang mga kapatid n'yo kay Cristo sa bu

Verse Of The Day | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One Verse Of The Day ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit hindi tayo lubusang nalipol. Araw-araw ay ipinapakita niya ang kanyang habag. Dakila ang katapatan ng Panginoon. - Panaghoy 3:22-23 Full Chapter 1 Isa ako sa mga nakaranas ng parusa ng  Panginoon  dahil sa kanyang galit.  2 Pinalayas niya ako at pinalakad sa dilim sa halip na sa liwanag.  3 Paulit-ulit niya akong pinarusahan araw at gabi.  4 Pinahina ang aking katawan at binali ang aking mga buto.  5 Sinalakay niya ako at ibinilanggo sa paghihirap at pagdurusa.  6 Inilagay sa kadiliman na parang isang tao na matagal nang patay.  7 Kinadena niya ako at ikinulong upang hindi makatakas.  8 Kahit na humingi ako ng tulong, hindi niya ako pinakinggan.  9 Hinarangan niya ng pader ang aking landas, at pinaliku-liko ang aking dadaanan.  10 Para siyang oso o leon na nag-aabang  upang salakayin ako .  11 Kinaladkad ako palayo sa daan at pagkatapos ay nilapa at iniwan.  12

What Does The Bible Say About Love | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One What Does The Bible Say About Love Bible Verse  Tatlong bagay ang nananatili: ang pagtitiwala, pag-asa, at pag-ibig. Ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.  - 1 Corinto 13:13 Mga anak, huwag tayong magmahalan sa salita lang, kundi ipakita natin sa gawa na tunay tayong nagmamahalan. - 1 Juan 3:18 Sumagot si Jesus, " Mahalin mo ang Panginoon mong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. -  Mateo 22:37 Walang anumang takot sa pag-ibig ang anumang takot. Kung natatakot man ang isang tao, ito'y dahil sa takot na maparusahan, at ipinapakita lang nito na hindi pa lubos na natupad sa kanya ang pag-ibig. -  1 Juan 4:18 Wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.  Juan 15:13 Magmahalan kayo nang tapat. Iwasan ninyo ang masama at laging gawin ang mabuti. -  Roma 12:9 Ang taong may pag-ibig ay mapagtiis, mabait, hindi marunong mainggit, hindi hambog o

What Does The Bible Say About Healing | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One What Does The Bible Say About Healing Bible Verse  Ang totoo, sinugatan siya dahil sa ating mga pagsuway; binugbog siya dahil sa ating kasamaan. Ang parusang tiniis niya ang naglagay sa atin sa magandang kalagayan. At dahil sa mga sugat niya ay gumaling tayo. -  Isaias 53:5 Ibigay mo sa Panginoon ang iyong mga alalahanin at aalagaan ka niya. Hindi niya pababayaan ang mga matuwid magpakailanman. -  Salmo 55:22 Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo.  –  Isaias 41:10 "Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. -  Mateo 11:28 Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, " Sapat na sa iyo ang aking biyaya, dahil ang kapangyarihan ko'y nakikita sa iyong kahinaan." Kaya buong galak kong ipinagmamalaki ang aking mga kahinaan, nang sa ganoon ay lagi kong mar

Give Thanks Lyrics | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One Give Thanks Lyrics Give thanks with a grateful heart Give thanks to the Holy One  Give thanks because He's given  Jesus Christ, His Son Give thanks with a grateful heart Give thanks to the Holy One Give thanks because He's given Jesus Christ, His Son And now let the weak say, " I am strong" Let the poor say, " I am rich" Because of what the Lord has done for us And now let the weak say, " I am strong" Let the poor say, " I am rich" Because of what the Lord has done for us Give thanks with a grateful heart  Give thanks to the Holy One  Give thanks because He's given  Jesus Christ, His Son Give thanks with a grateful heart Give thanks to the Holy One Give thanks because He's given Jesus Christ, His Son And now let the weak say, " I am strong" Let the poor say, " I am rich" Because of what the Lord has done for us And now let the weak say, " I am strong" Let the poor say, &quo

What Does The Bible Say About Marriage | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One What Does The Bible Say About Marriage Bible Verse  Ngunit dapat ninyong tandaan na sa buhay natin sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki, at kailangan din ng lalaki ang babae. - 1 Corinto 11:11 Dahil kung nagmula ang unang babae sa lalaki, ang lalaki naman ay ipinanganak ng babae; at ang lahat naman ay nagmumula sa Dios. - 1 Corinto 11:12 Kaya nga mga kapatid, mamuhay ang bawat isa sa inyo ayon sa kanyang kalagayan nang tawagin siya ng Dios. - 1 Corinto 7:24 Kaya mamuhay kayo nang ayon sa nais ng Banal na Espiritu para hindi ninyo mapagbigyan ang pagnanasa ng laman. - Galacia 5:16 Kaya tandaan ninyo: anuman ang hilingin ninyo sa Dios sa panalangin, manampalataya kayong natanggap na ninyo ito. at matatanggap nga ninyo. - Marcos 11:24 Sapagkat sinabi ng Panginoon, ang Dios ng Israel, "Ayaw kong maghiwalay ang mag-asawa. Kung hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa, ito'y pagmamalupit sa asawang babae." Kaya siguraduhin ninyong hindi kayo magt

Verse Of The Day | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One Verse Of The Day upang hindi magkaroon ng pagkakahati-hati kundi pagmamalasakit sa isaʼt isa. Kaya kung nasasaktan ang isang parte ng katawan, ang ibang parte ay nasasaktan din. At kung ang isang parte ay pinararangalan, ang ibang parte ay natutuwa rin. Kayong lahat ang bumubuo ng katawan ni Cristo, at ang bawat isaʼy parte ng kanyang katawan. - 1 Corinto 12:25-27 Full Chapter Mga Kaloob ng Banal na Espiritu 1 Ngayon, mga kapatid, nais kong maunawaan ninyo ang tungkol sa mga kaloob ng Banal na Espiritu.  2 Alam naman ninyo na noong hindi pa kayo nakakakilala sa Dios, iniligaw kayo upang sumamba sa mga dios-diosan, na hindi naman nakakapagsalita.  3 Kaya gusto kong malaman ninyo na walang taong pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios ang magsasabi, “Sumpain si Jesus!” At wala ring taong makapagsasabi na, “Si Jesus ay Panginoon,” kung hindi siya pinapatnubayan ng Banal na Espiritu. 4 May ibaʼt iba tayong kaloob, ngunit iisa lang ang Espiritung pinagmulan nito.  5 M