Skip to main content

Verse Of The Day | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One
Give Thanks To The Holy One Verse Of The Day September 6 2020

Verse Of The Day
Tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu sa kahinaan natin. Hindi natin alam kung ano ang dapat nating ipanalangin, kaya ang Espiritu na rin ang namamagitan sa Dios para sa atin sa pamamagitan ng mga daing na hindi natin kayang sabihin. - Roma 8:26
Give Thanks To The Holy One Verse Of The Day Photo September 6 2020

Full Chapter
ROMA 8
Pamumuhay na Ayon sa Banal na Espiritu
1Kaya ngayon, hindi na hahatulan ng kaparusahan ang mga nakay Cristo Jesus. 2Sapagkat sa pakikipag-isa natin kay Cristo Jesus, pinalaya na tayo sa kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu na nagbibigay-buhay. 3Ang Kautusan ay hindi makapag-aalis ng kapangyarihan ng kasalanan sa ating buhay dahil sa kahinaan ng ating makasalanang pagkatao. Ang Dios ang nag-alis nito nang isinugo niya ang sarili niyang Anak sa anyo ng isang taong makasalanan upang handog para sa ating mga kasalanan. At sa kanyang pagiging tao, tinapos na ng Dios ang kapangyarihan ng kasalanan. 4Ginawa ito ng Dios para ang ipinatutupad ng Kautusan ay matupad nating mga namumuhay sa patnubay ng Banal na Espiritu at hindi ayon sa ating makasalanang pagkatao. 5Sapagkat ang mga taong namumuhay ayon sa kanilang makasalanang pagkatao ay walang ibang iniisip kundi ang nais ng kanilang pagkatao. Pero ang tao namang namumuhay ayon sa Banal na Espiritu ay walang ibang iniisip kundi ang nais ng Banal na Espiritu. 6Ang kahihinatnan ng pagsunod sa nais ng makasalanang pagkatao ay kamatayan, pero ang kahihinatnan ng pagsunod sa nais ng Banal na Espiritu ay kapayapaan at buhay na walang hanggan7Kalaban ng Dios ang sinumang sumusunod sa nais ng makasalanan niyang pagkatao, dahil ayaw niyang sumunod sa Kautusan ng Dios, at talagang hindi niya magagawang sumunod. 8Kaya ang mga taong nabubuhay ayon sa kanilang makasalanang pagkatao ay hindi maaaring kalugdan ng Dios.
9Pero hindi na kayo nabubuhay ayon sa makasalanang pagkatao kundi ayon sa patnubay ng Espiritu, kung totoong nasa inyo na nga ang Espiritu ng Dios. Kung wala sa isang tao ang Espiritu ni Cristo, siyaʼy hindi kay Cristo. 10Pero dahil nasa inyo na si Cristo, mamatay man ang katawan nʼyo dahil sa kasalanan, buhay naman ang inyong espiritu dahil itinuring na kayong matuwid ng Dios. 11At dahil nasa inyo na ang Espiritu ng Dios na muling bumuhay kay Jesu-Cristo, siya rin ang magbibigay ng buhay sa inyong mga katawang may kamatayan. Gagawin niya ito sa pamamagitan ng kanyang Espiritung nananahan sa inyo.
12Kaya nga mga kapatid, hindi tayo dapat mamuhay ayon sa ating makasalanang pagkatao. 13Sapagkat mamamatay kayo kapag namuhay kayo ayon sa inyong makasalanang pagkatao. Pero mabubuhay kayo kung susupilin ninyo ang inyong makasalanang pagkatao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. 14Ang mga taong pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios ay mga anak ng Dios. 15At ang Espiritu na tinanggap ninyo ay hindi kayo inalipin upang muling matakot, sa halip ginawa kayong mga anak ng Dios. Ngayon, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, matatawag na ninyong “Ama” ang Dios. 16Ang Banal na Espiritu at ang ating espiritu ay parehong nagpapatunay na tayoʼy mga anak ng Dios. 17At bilang mga anak, mga tagapagmana tayo ng Dios at kasama ni Cristo na magmamana ng mga pagpapalang inilaan niya. Sapagkat kung magtitiis tayo kagaya ni Cristo noon, darating ang araw na pararangalan din tayong kasama niya.
Ang Napakagandang Kalagayan sa Hinaharap
18Para sa akin, ang mga paghihirap sa buhay na ito ay hindi maihahambing sa napakagandang kalagayan na mapapasaatin balang araw. 19Maging ang buong nilikha ay sabik na naghihintay na ihayag ng Dios ang mga anak niya. 20Sapagkat ang lahat ng nilikha ng Dios ay hindi nakaabot sa layuning para sa kanila. Nangyari ito hindi dahil sa gusto nila, kundi dahil ito ang gusto ng Dios. Pero may pag-asa pa, 21dahil palalayain din niya ang buong nilikha mula sa kabulukang umaalipin dito, at makakasama rin sa napakagandang kalagayan ng mga anak ng Dios. 22Alam natin na hanggang ngayon, ang buong nilikha ay naghihirap at dumaraing tulad ng isang babaeng manganganak na. 23At hindi lamang ang buong nilikha, kundi pati tayong mga tumanggap ng Banal na Espiritu na siyang unang kaloob ng Dios ay dumaraing din habang naghihintay tayo na matubos ang ating mga katawan at mahayag ang ganap na katayuan natin bilang mga anak ng Dios. 24Ligtas na tayo at naghihintay na lang na maging ganap ang kaligtasang ito. Umaasa tayo dahil wala pa ang inaasahan natin. Aasa pa ba tayo kung nariyan na ang ating inaasahan? 25Pero kung ang inaasahan natiʼy wala pa, maghihintay tayo nang may pagtitiyaga.
26Tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu sa kahinaan natin. Hindi natin alam kung ano ang dapat nating ipanalangin, kaya ang Espiritu na rin ang namamagitan sa Dios para sa atin sa pamamagitan ng mga daing na hindi natin kayang sabihin. 27At ang anumang nais sabihin ng Banal na Espiritu ay alam ng Dios na siyang sumisiyasat sa puso ng mga tao. Sapagkat namamagitan ang Banal na Espiritu para sa mga mananampalataya, kung ano ang ayon sa kalooban ng Dios.
28Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin. 29Sapagkat alam na ng Dios noon pa man kung sinu-sino ang kanyang magiging mga anak. At silaʼy itinalaga niyang matulad sa kanyang Anak na si Jesus para siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid. 30Kaya nga, ang mga taong pinili ng Dios noong una pa ay tinawag niya para maging kanyang mga anak, at ang mga tinawag niya ay itinuring niyang matuwid, at ang itinuring niyang matuwid ay binigyan niya ng karangalan.
Ang Pag-ibig ng Dios
31Ngayon, kung iisipin natin ang mga bagay na ito, masasabi nating panig sa atin ang Dios, at dahil dito, walang magtatagumpay laban sa atin. 32Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait sa halip ay ibinigay para sa atin, tiyak na ibibigay din niya sa atin ang lahat ng bagay. 33Sino ang maaaring mag-akusa sa mga pinili ng Dios? Ang Dios na mismo ang nagturing sa atin na matuwid. 34Wala ring makakahatol sa atin ng kaparusahan, dahil si Cristo Jesus na mismo ang hinatulang mamatay para sa atin. At hindi lang iyan, muli siyang binuhay at nasa kanang kamay na ngayon ng Dios at namamagitan para sa atin. 35Walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo, kahit dumanas pa tayo ng mga pagsubok, paghihirap, pag-uusig, gutom, kawalan, panganib, o maging kamatayan. 36Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan,
“Alang-alang sa iyo, palaging nasa panganib ang aming buhay. Para kaming mga tupang kakatayin.”
37Pero kahit ganito ang kalagayan natin, kayang-kaya nating pagtagumpayan ito sa tulong ni Cristo na nagmamahal sa atin. 38-39Sapagkat natitiyak ko na walang makakapaghiwalay sa atin sa pag-ibig ng Dios na ipinakita sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon. Maging kamatayan o buhay, mga anghel o anumang makapangyarihang espiritu, ang kasalukuyang panahon o ang hinaharap, ang mga kapangyarihan, ang mga nasa itaas o mga nasa ibaba, o kahit ano pang mga bagay sa buong mundo ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Dios.
Worship Song Video
Ako'y Magpupuri Sa Panginoon

Inspirational Quote
I believe and therefore anything is possible
Give Thanks To The Holy One Inspirational Quote September 6 2020

Related Bible Verse Video
What Does The Bible Say About Faith

📖Read Bible Verse About Faith👀

Comments

POPULAR POSTS

Ang Buhay Ng Kristiyano Ay Masayang Tunay Lyrics | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One Ang Buhay Ng Kristiyano Ay Masayang Tunay Lyrics Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay, masayang tunay Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay I’ve got spirit in my HANDS God Is keeping me alive He’s keeping me alive, keeping me alive I’ve got spirit in my HANDS God Is keeping me alive Jesus is keeping me alive   Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay, masayang tunay Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay   I’ve got spirit in my HEAD God Is keeping me alive He’s keeping me alive, keeping me alive I’ve got spirit in my HEAD God Is keeping me alive Jesus is keeping me alive   Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay, masayang tunay Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay   I’ve got spirit in my SHOULDER God Is keeping me alive He’s keeping me alive, keeping me alive I’ve got spirit in my SHOULDER God Is keeping me alive Jesus is keeping me alive   Ang buhay

Diyos Ka Sa Amin Cover Lyrics | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One Diyos Ka Sa Amin  Lyrics O Diyos, ikaw ang tunay na dakila sa mundo Ikaw ang haring nagmahal ng tulad ko Ginawa Mo'ng lahat Pag-ibig Mo ay tapat at wagas O Diyos, wala nang papantay  Sa kabutihan Mo Ang ngalan Mo'y itataas sa buhay ko Sundin ang loob Mo iparinig ang nais Mo Sa lahat ng panahon, Diyos ka sa amin Sa lahat ng oras, nariyan para sa amin Panginoong Hesus, purihin Ka Dakilain Ka sa buhay ko aking Ama O Diyos, ikaw ang tunay na dakila sa mundo Ikaw ang haring nagmahal ng tulad ko Ginawa Mo'ng lahat Pag-ibig Mo ay tapat at wagas O Diyos, wala nang papantay Sa kabutihan Mo Ang ngalan Mo'y itataas sa buhay ko Sundin ang loob Mo iparinig ang nais Mo Sa lahat ng panahon, Diyos ka sa amin Sa lahat ng oras, nariyan para sa amin Panginoong Hesus, purihin Ka Dakilain Ka sa buhay ko aking Ama Sa lahat ng panahon, Diyos ka sa amin Sa lahat ng oras, nariyan para sa amin Panginoong Hesus, purihin Ka Dakilain Ka sa buhay ko Di nagbabago, Diyos Ka

What Does The Bible Say About Fear | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One What Does The Bible Say About Fear Bible Verse  There is no fear in love, but perfect l ove casts out fear, for fear has to do with punishment, and whoever fears has not reached perfection in love. - 1 John 4:18 Don't be wise in your own eyes; fear the Lord, and turn away from evil. - Proverbs 3:7 for God did not give us a spirit of cowardice, but rather a spirit of power and of love and of self-discipline. - 2 Timothy 1:7 Do not worry about anything, but in everything by prayer and supplication with thanksgiving let your requests be made known to God. - Philippians 4:6 when I am afraid, I put my trust in you. - Psalms 56:3 I sought the Lord, and he answered me, and delivered me from all my fears. - Psalms 34:4 do not fear, for I am with you, do not be afraid, for I am your God; I will strengthen you, I will help you, I will uphold you with my victorious right hand. - Isaiah 41:10 I hereby command you: Be strong and courageous; do not be frightened or

What Does The Bible Say About Faith | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One What Does The Bible Say About Faith  Bible Verse  Ang pananampalataya ay ang katiyakan na matatanggap natin ang mga bagay na inaasahan natin. At ito ay ang pagiging sigurado sa mga bagay na hindi natin nakikita. - Hebreo 11:1  Hindi lang iyan, gamitin din ninyo bilang panangga ang pananampalataya ninyo para hindi kayo tablan ng mga panunukso ni Satanas na parang mga palasong nagliliyab. - Efeso 6:16  Ngunit dapat magtiwala ang humihingi at huwag magduda, dahil ang taong nagdududa ay katulad ng alon sa dagat na tinatangay at pinapadpad ng hangin. - Santiago 1:6   Ipagkatiwala mo sa Panginoon ang lahat ng iyong ginagawa; magtiwala ka sa kanya at tutulungan ka niya. - Salmo 37:5  Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. - Kawikaan 3:5  Patatagin ninyo ang inyong pananampalataya sa Dios at labanan si Satanas. Alalahanin ninyong hindi lang kayo ang naghihirap kundi pati ang mga kapatid n'yo kay Cristo sa bu

Verse Of The Day | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One Verse Of The Day ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit hindi tayo lubusang nalipol. Araw-araw ay ipinapakita niya ang kanyang habag. Dakila ang katapatan ng Panginoon. - Panaghoy 3:22-23 Full Chapter 1 Isa ako sa mga nakaranas ng parusa ng  Panginoon  dahil sa kanyang galit.  2 Pinalayas niya ako at pinalakad sa dilim sa halip na sa liwanag.  3 Paulit-ulit niya akong pinarusahan araw at gabi.  4 Pinahina ang aking katawan at binali ang aking mga buto.  5 Sinalakay niya ako at ibinilanggo sa paghihirap at pagdurusa.  6 Inilagay sa kadiliman na parang isang tao na matagal nang patay.  7 Kinadena niya ako at ikinulong upang hindi makatakas.  8 Kahit na humingi ako ng tulong, hindi niya ako pinakinggan.  9 Hinarangan niya ng pader ang aking landas, at pinaliku-liko ang aking dadaanan.  10 Para siyang oso o leon na nag-aabang  upang salakayin ako .  11 Kinaladkad ako palayo sa daan at pagkatapos ay nilapa at iniwan.  12

What Does The Bible Say About Love | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One What Does The Bible Say About Love Bible Verse  Tatlong bagay ang nananatili: ang pagtitiwala, pag-asa, at pag-ibig. Ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.  - 1 Corinto 13:13 Mga anak, huwag tayong magmahalan sa salita lang, kundi ipakita natin sa gawa na tunay tayong nagmamahalan. - 1 Juan 3:18 Sumagot si Jesus, " Mahalin mo ang Panginoon mong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. -  Mateo 22:37 Walang anumang takot sa pag-ibig ang anumang takot. Kung natatakot man ang isang tao, ito'y dahil sa takot na maparusahan, at ipinapakita lang nito na hindi pa lubos na natupad sa kanya ang pag-ibig. -  1 Juan 4:18 Wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.  Juan 15:13 Magmahalan kayo nang tapat. Iwasan ninyo ang masama at laging gawin ang mabuti. -  Roma 12:9 Ang taong may pag-ibig ay mapagtiis, mabait, hindi marunong mainggit, hindi hambog o

What Does The Bible Say About Healing | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One What Does The Bible Say About Healing Bible Verse  Ang totoo, sinugatan siya dahil sa ating mga pagsuway; binugbog siya dahil sa ating kasamaan. Ang parusang tiniis niya ang naglagay sa atin sa magandang kalagayan. At dahil sa mga sugat niya ay gumaling tayo. -  Isaias 53:5 Ibigay mo sa Panginoon ang iyong mga alalahanin at aalagaan ka niya. Hindi niya pababayaan ang mga matuwid magpakailanman. -  Salmo 55:22 Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo.  –  Isaias 41:10 "Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. -  Mateo 11:28 Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, " Sapat na sa iyo ang aking biyaya, dahil ang kapangyarihan ko'y nakikita sa iyong kahinaan." Kaya buong galak kong ipinagmamalaki ang aking mga kahinaan, nang sa ganoon ay lagi kong mar

Give Thanks Lyrics | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One Give Thanks Lyrics Give thanks with a grateful heart Give thanks to the Holy One  Give thanks because He's given  Jesus Christ, His Son Give thanks with a grateful heart Give thanks to the Holy One Give thanks because He's given Jesus Christ, His Son And now let the weak say, " I am strong" Let the poor say, " I am rich" Because of what the Lord has done for us And now let the weak say, " I am strong" Let the poor say, " I am rich" Because of what the Lord has done for us Give thanks with a grateful heart  Give thanks to the Holy One  Give thanks because He's given  Jesus Christ, His Son Give thanks with a grateful heart Give thanks to the Holy One Give thanks because He's given Jesus Christ, His Son And now let the weak say, " I am strong" Let the poor say, " I am rich" Because of what the Lord has done for us And now let the weak say, " I am strong" Let the poor say, &quo

What Does The Bible Say About Marriage | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One What Does The Bible Say About Marriage Bible Verse  Ngunit dapat ninyong tandaan na sa buhay natin sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki, at kailangan din ng lalaki ang babae. - 1 Corinto 11:11 Dahil kung nagmula ang unang babae sa lalaki, ang lalaki naman ay ipinanganak ng babae; at ang lahat naman ay nagmumula sa Dios. - 1 Corinto 11:12 Kaya nga mga kapatid, mamuhay ang bawat isa sa inyo ayon sa kanyang kalagayan nang tawagin siya ng Dios. - 1 Corinto 7:24 Kaya mamuhay kayo nang ayon sa nais ng Banal na Espiritu para hindi ninyo mapagbigyan ang pagnanasa ng laman. - Galacia 5:16 Kaya tandaan ninyo: anuman ang hilingin ninyo sa Dios sa panalangin, manampalataya kayong natanggap na ninyo ito. at matatanggap nga ninyo. - Marcos 11:24 Sapagkat sinabi ng Panginoon, ang Dios ng Israel, "Ayaw kong maghiwalay ang mag-asawa. Kung hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa, ito'y pagmamalupit sa asawang babae." Kaya siguraduhin ninyong hindi kayo magt

Verse Of The Day | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One Verse Of The Day upang hindi magkaroon ng pagkakahati-hati kundi pagmamalasakit sa isaʼt isa. Kaya kung nasasaktan ang isang parte ng katawan, ang ibang parte ay nasasaktan din. At kung ang isang parte ay pinararangalan, ang ibang parte ay natutuwa rin. Kayong lahat ang bumubuo ng katawan ni Cristo, at ang bawat isaʼy parte ng kanyang katawan. - 1 Corinto 12:25-27 Full Chapter Mga Kaloob ng Banal na Espiritu 1 Ngayon, mga kapatid, nais kong maunawaan ninyo ang tungkol sa mga kaloob ng Banal na Espiritu.  2 Alam naman ninyo na noong hindi pa kayo nakakakilala sa Dios, iniligaw kayo upang sumamba sa mga dios-diosan, na hindi naman nakakapagsalita.  3 Kaya gusto kong malaman ninyo na walang taong pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios ang magsasabi, “Sumpain si Jesus!” At wala ring taong makapagsasabi na, “Si Jesus ay Panginoon,” kung hindi siya pinapatnubayan ng Banal na Espiritu. 4 May ibaʼt iba tayong kaloob, ngunit iisa lang ang Espiritung pinagmulan nito.  5 M