Give Thanks To The Holy One
What Does The Bible Say About Resurrection
Bible Verse
Binuhay kayong muli kasama ni Cristo, kaya sikapin ninyong makamtan ang mga bagay na nasa langit kung saan naroon si Cristo na nakaupo sa kanan ng Dios. - Colosas 3:1At kung si Cristo'y hindi muling nabuhay, walang kabuluhan ang aming pangangaral, at wala ring silbi ang inyong pananampalataya. - 1 Corinto 15:14Sapagkat nanalig si Abraham na kung mamamatay si Isaac, muli siyang bubuhayin ng Dios. At ganoon nga ang nangyari - parang bumalik sa kanya si Isaac mula sa kamatayan. - Hebreo 11:19"At ikaw Daniel, ipagpatuloy mo ang iyong gawain. Mamamatay ka, pero bubuhayin kang muli sa mga huling araw upang tanggapin ang iyong gantimpala na inihanda para sa iyo." - Daniel 12:13At kung nakasama tayo sa kanyang kamatayan, tiyak na mabubuhay tayong muli tulad ng muli niyang pagkabuhay. - Roma 6:5Ganyan din sa muling pagkabuhay ng mga patay. Ang katawang inilibing ay mabubulok, ngunit kapag ito'y muling binuhay, hindi na ito mabubulok kailanman. - 1 Corinto 15:42Kung paanong nasa tiyan ng dambuhalang isda si Jonas sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi, ganoon din naman ang mangyayari sa akin na Anak ng Tao. Tatlong araw at tatlong gabi rin ako sa ilalim ng lupa. - Mateo 12:40Ang katawang inilibing ay pangit at mahina, ngunit kapag ito'y muling binuhay, ito'y maganda na at malakas. - 1 Corinto 15:43Habang naguguluhan sila sa pangyayari, bigla silang nakakita ng dalawang lalaking nakakasilaw ang damit, at nakatayo sa tabi nila. - Lucas 24:4At dahil sa pakikipag-isa natin kay Cristo Jesus, binuhay tayo ng Dios mula sa mga patay kasama ni Cristo, para maghari tayong kasama niya sa kaharian sa langit. - Efeso 2:6Ngunit may kanya-kanyang takdang panahon ang muling pagkabuhay. Unang nabuhay si Cristo; pagkatapos, ang mga nakay Cristo naman ang bubuhayin pagbalik niya rito sa mundo. - 1 Corinto 15:23Inilibing kayong kasama ni Cristo nang bautismuhan kayo. At dahil nakay Cristo na kayo, muli kayong binuhay na kasama niya, dahil nananalig kayo sa kapangyarihan ng Dios na bumuhay sa kanya. - Colosas 2:12Ngunit tutubusin naman ako ng Dios mula sa kapangyarihan ng kamatayan. Tiyak na ililigtas niya ako. - Salmo 49:15Kung ang pag-asa natin kay Cristo ay hanggang sa buhay na ito lamang, tayo ang pinakakawawa sa lahat ng tao. - 1 Corinto 15:19Ang katawang inilibing ay panlupa, ngunit kapag ito'y muling binuhay, ito'y panlangit na. Sapagkat kung mayroong katawang panlupa ay mayroon din namang katawang panlangit. - 1 Corinto 15:44Ngunit makinig kayo dahil may sasabihin ako sa inyo na isang lihim: Hindi lahat sa atin ay mamamatay, ngunit tayong lahat ay bibigyan ng bagong katawan. - 1 Corinto 15:51Walang makakalapit sa akin maliban kung papalapitin siya ng Amang nagsugo sa akin. At ang mga lalapit sa akin ay bubuhayin kong muli sa huling araw. - Juan 6:44
Bible Verse Photo
Comments
Post a Comment