Give Thanks To The Holy One
What Does The Bible Say About Marriage
Dahil kung nagmula ang unang babae sa lalaki, ang lalaki naman ay ipinanganak ng babae; at ang lahat naman ay nagmumula sa Dios. - 1 Corinto 11:12
Kaya nga mga kapatid, mamuhay ang bawat isa sa inyo ayon sa kanyang kalagayan nang tawagin siya ng Dios. - 1 Corinto 7:24
Kaya mamuhay kayo nang ayon sa nais ng Banal na Espiritu para hindi ninyo mapagbigyan ang pagnanasa ng laman. - Galacia 5:16
Kaya tandaan ninyo: anuman ang hilingin ninyo sa Dios sa panalangin, manampalataya kayong natanggap na ninyo ito. at matatanggap nga ninyo. - Marcos 11:24
Sapagkat sinabi ng Panginoon, ang Dios ng Israel, "Ayaw kong maghiwalay ang mag-asawa. Kung hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa, ito'y pagmamalupit sa asawang babae." Kaya siguraduhin ninyong hindi kayo magtataksil sa inyong asawa. - Malakias 2:16
Mag-asawa kayo at nang magkaanak kayo. Hayaan din ninyong mag-asawa ang mga anak n'yo at nang magkaanak din sila para dumami kayo nang dumami. - Jeremias 29:6
Nagtanong uli ang mga Pariseo, "Pero bakit sinabi ni Moises na pwedeng hiwalayan ng lalaki ang asawa niya, basta't bigyan niya ito ng kasulatan ng paghihiwalay?" - Mateo 19:7
Sumagot si Jesus sa kanila, " Ipinahintulot ito ni Moises sa inyo dahil sa katigasan ng ulo ninyo. Ngunit hini iyan ang layunin ng Dios mula sa simula. - Mateo 19:8
At kung hiwalayan ng isang babae ang kanyang asawa at mag-asawa ng iba ay nagkasala rin ng pangangalunya. - Marcos 10:12
Kaya nga, ipagtapat ninyo sa isa't isa ang mga kasalanan n'yo at ipanalangin ang isa't isa para gumalaing kayo. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid. - Santiago 5:16
Hindi na sila dalawa kundi isa na lang, Kaya hindi dapat paghiwalayin ng tao ang pinagsama ng Dios. - Mateo 19:6
Huwag kayong sumiping sa malapit ninyong kamag-anak. Ako ang Panginoon. - Leviticus 18:6
Bahay at kayamanan sa magulang ay namamana, ngunit ang Panginoon lang ang nagbibigay ng matalinong asawa. - Kawikaan 19:14
Hindi ba't pinag-isa kayo ng Dios sa katawan at sa espiritu para maging kanya? At bakit niya kayo pinag-isa? Sapagkat gusto niyang magkaroon kayo ng mga anak na makadios. Kaya siguraduhin ninyong hindi kayo magtataksil sa babaeng pinakasalan ninyo noong inyong kabataan. - Malakias 2:15
Halimbawa, ayon sa batas, ang isang babaeng may asawa ay nakatali sa kanyang asawa habang nabubuhay ito. Pero kung namatay na ang kanyang asawa, malaya na siya sa batas tungkol sa mga mag-asawa. - Roma 7:2
Dapat tuparin ng lalaki ang kanyang tungkulin sa kanyang asawa, at ganoon din naman ang babae. - 1 Corinto 7:3
Huwag kayong magsasalita ng masama kundi iyong makabubuti at angkop sa sitwasyon para maging kapaki-pakinabang sa nakakarinig. - Efeso 4:29
Dapat ninyong pahalagahan ang pag-aasawa, at dapat ninyong iwasan ang pangangalunya. Sapagkat hahatulan ng Dios ang mga nangangalunya at ang mga imoral. - Hebreo 13:4
Huwag kayong mag-asawa ng babaeng marumi dahil nagbebenta siya ng panandaliang aliw, o ng babaeng hiwalay sa asawa, dahil kayo'y hinirang ko para sa aking sarili. - Leviticus 21:7
Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Dios sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, para malaman ninyo ang kalooban ng Dios - kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin. - Roma 12:2
Sapagkta sa muling pagkabuhay hindi na sila mag-aasawa. Magiging tulad sila ng mga anghel sa langit. - Mateo 22:30
Sinasabi sa Kasulatan, " Iiwan ng lalaki ang kanyanbg ama't ina at makikipag-isa sa kanyang asawa, at silang dalawa ay magiging isa." - Efeso 5:31
Binasbasan ng Dios si Noe at ang mga anak niya at sinabi, "Magkaroon kayo ng mga anak para dumami at mangalat kayo sa buong mundo. - Genesis 9:1
"Kung nag-asawa ang isang lalaki, at sa bandang huli ay inayawan na niya ito dahil may natuklasan siyang hindi niya nagustuhan dito, dapat siyang gumawa ng kasulatan ng paghihiwalay at ibigay ito sa kanya, at maaari na niya itong paalisin sa kanyang bahay." - Deuteronomio 24:1
Kaya kung makikisama siya sa ibang lalaki habang buhay pa ang kanyang asawa, nagkakasala siya ng pangangalunya. Pero kung patay na ang kanyang asawa, malaya na siya sa batas tungkol sa mga mag-asawa. At kung mag-asawa man siyang muli, hindi siya nagkakasala ng pangangalunya. - Roma 7:3
Kung pwede lang, gusto ko sanang kayong lahat ay maging katulad ko na walang asawa. Ngunit may kanya-kanyang kaloob sa atin ang Dios, at hindi ito pare-pareho. - 1 Corinto 7:7
Bible Verse Photo
YOU MAY ALSO LIKE:
- AUGUST 18 2021 | VERSE OF THE DAY
- AUGUST 17, 2021 | VERSE OF THE DAY
- AUGUST 16, 2021 | VERSE OF THE DAY
- WHAT DOES THE BIBLE SAY ABOUT "ANXIETY" | BIBLE VERSE
- WHAT DOES THE BIBLE SAY ABOUT "FORGIVENESS" | BIBLE VERSE
- HOW ARE YOU FEELING? "ANGRY" | BIBLE VERSE
- AKO'Y MAGPUPURI SA PANGINOON (LYRICS) | WORSHIP SONG
- ANG BUHAY NG KRISTIYANO AY MASAYANG TUNAY (LYRICS) | WORSHIP SONG
- GIVE THANKS (LYRICS) | WORSHIP SONG
Comments
Post a Comment