Skip to main content

What Does The Bible Say About Healing (Tagalog/Filipino) | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One

What Does The Bible Say About Healing

  • Ang totoo, sinugatan siya dahil sa ating mga pagsuway; binugbog siya dahil sa ating kasamaan. Ang parusang tiniis niya ang naglagay sa atin sa magandang kalagayan. At dahil sa mga sugat niya ay gumaling tayo. - Isaias 53:5

  • Ibigay mo sa Panginoon ang iyong mga alalahanin at aalagaan ka niya. Hindi niya pababayaan ang mga matuwid magpakailanman. - Salmo 55:22

  • Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo. – Isaias 41:10

  • "Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. - Mateo 11:28

  • Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, " Sapat na sa iyo ang aking biyaya, dahil ang kapangyarihan ko'y nakikita sa iyong kahinaan." Kaya buong galak kong ipinagmamalaki ang aking mga kahinaan, nang sa ganoon ay lagi kong maranasan ang kapangyarihan ni Cristo. - 2 Corinto 12:9

  • Kaya nga, ipagtapat ninyo sa isa't isa ang mga kasalanan n'yo at ipanalangin ang isa't isa para gumaling kayo. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid, - Santiago 5:16

  • Sinabi niya sa lalaki, "Tumayo ka at umuwi na. Iniligtas ka ng pananampalataya mo." - Lucas 17:19

  • Maikling panahon lang ang paghihirap ninyo. Pagkatapos nito, tutulungan kayo ng Dios para maging ganap ang buhay ninyo. At siya rin ang magpapatatag at magpapalakas sa inyo, dahil siya ang pinagmumulan ng lahat ng pagpapala. Pinili niya kayo upang makabahagi rin sa walang hanggang kaluwalhatian niya sa pamamagitan ng pakikipag-isa ninyo kay Cristo. - 1 Pedro 5:10

  • Napapaligiran tayo ng maraming tao na nagpapatotoo tungkol sa pananampalataya nila sa Dios. Kaya talikuran na natin ang kasalanang pumipigil sa atin at alisin ang anumang hadlang sa pagtakbo natin. Buong tiyaga tayong magpatuloy sa takbuhing itinakda ng Dios para sa atin. - Hebreo 12:1

  • Walang pagsubok na dumarating sa inyo na hindi naranasan ng ibang tao. Ngunit maaasahan natin ang pangako ng Dios na hindi niya tayo pababayaang subukin ng higit pa sa ating makakaya. Kaya kung dumaranas kayo ng pagsubok, gagawa siya ng paraan para mapagtagumpayan ninyo ito. - 1 Corinto 10:13

  • Sa kanyang salita sila'y nagsigaling at iniligtas niya sila sa kamatayan. - Salmo 107:20

  • Pinagagaling niya ang mga pusong nabigo, at ginagamot ang kanilang mga sugat. - Salmo 147:3

  • Ang panalanging may pananampalataya ay nakapagpapagaling ng may sakit. Ibabangon siya ng Panginoon at patatawarin kung nagkasala siya. - Santiago 5:15

  • Si Cristo ang umako sa mga kasalanan natin nang ipako siya sa krus, para iwanan na natin ang buhay na makasalanan at mamuhay nang matuwid. Dahil sa mga sugat niya, gumaling tayo. - 1 Pedro 2:24

  • Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin. - Roma 8:28

  • Panginoon, pagalingin n'yo po ako at gagaling ako; iligtas n'yo po ako at maliligtas ako. At kayo lang ang tangi kong pupurihin. - Jeremias 17:14

  • Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung may pananampalataya kayo, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, ‘Lumipat ka sa dagat!’ At kung hindi kayo nag-aalinlangan kundi nananampalatayang mangyayari iyon, mangyayari nga ang sinabi ninyo. – Marcos 11:23

  • Nalalaman n'yo ang aking kalungkutan at napapansin n'yo ang aking mga pag-iyak. Hindi ba't inilista n'yo ito sa inyong aklat? - Salmo 56:8

  • Ang pagiging masayahin ay parang gamot na nakabubuti sa katawan, ngunit ang pagiging malungkutin ay nagpapahina ng katawan. - Kawikaan 17:22



  • Sinagot siya ni Jesus, "Bakit mo sinabing kung may magagawa ako? Ang lahat ng bagay ay magagawa ko sa taong sumasampalataya sa akin!" - Marcos 9:23

  • Sapagkat namumuhay tayo sa pananampalataya at hindi ayon sa mga bagay na nakikita. - 2 Corinto 5:7

  • "Kung susundin ninyo ako nang buong puso, ang Panginoon na inyong Dios, at gagawa ng mabuti sa aking paningin, at susundin ang aking mga kautusan at tuntunin, hindi ko kayo padadalhan ng mga karamdaman gaya ng ipinadala ko sa mga Egipcio, dahil ako ang Panginoon, ang nagpapagaling sa inyo." - Exodus 15:26

YOU MAY ALSO LIKE:







Comments

  1. Another great verse broken down where I truly understand it. Love reading your blog.

    ReplyDelete

Post a Comment

MOST VIEWED

GIVE THANKS TO THE HOLY ONE | MANANATILI (LYRICS) - STILL TAGALOG VERSION | CHRISTIAN WORSHIP SONG

GIVE THANKS TO THE HOLY ONE Mananatili  Ikaw lamang Panginoon Kaagapay saan man naroon Suliranin man ay dumating Ikaw lamang O Diyos ang sasambahin Panginoon ko sa 'Yo lamang Mananatili kailan pa man Kapahingahan sa'Yo nakamtan Kapangyarihan Ikaw ang pinagmulan Suliranin man ay dumating Ikaw lamang O Diyos ang sasambahin Panginoon ko sa 'Yo lamang Mananatili kailan pa man Suliranin man ay dumating Ikaw lamang O Diyos ang sasambahin Panginoon ko sa 'Yo lamang Mananatili kailan pa man Kapahingahan sa'Yo nakamtan Kapangyarihan, Ikaw ang pinagmulan Suliranin man ay dumating Ikaw lamang O Diyos ang sasambahin Panginoon ko sa 'Yo lamang Mananatili kailan pa man Suliranin man ay dumating Ikaw lamang O Diyos ang sasambahin Panginoon ko sa 'Yo lamang Mananatili kailan pa man Video Credit: Mananatili YOU MAY ALSO LIKE: HIGIT SA LAHAT (LYRICS) | WORSHIP SONG LEAD ME LORD (LYRICS) | WORSHIP SONG LIFT UP YOUR HANDS (LYRICS) | WORSHIP SONG RELATED POSTS: AUG

Ang Buhay Ng Kristiyano Ay Masayang Tunay Lyrics | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One Ang Buhay Ng Kristiyano Ay Masayang Tunay Lyrics Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay, masayang tunay Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay I’ve got spirit in my HANDS God Is keeping me alive He’s keeping me alive, keeping me alive I’ve got spirit in my HANDS God Is keeping me alive Jesus is keeping me alive   Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay, masayang tunay Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay   I’ve got spirit in my HEAD God Is keeping me alive He’s keeping me alive, keeping me alive I’ve got spirit in my HEAD God Is keeping me alive Jesus is keeping me alive   Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay, masayang tunay Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay   I’ve got spirit in my SHOULDER God Is keeping me alive He’s keeping me alive, keeping me alive I’ve got spirit in my SHOULDER God Is keeping me alive Jesus is keeping me alive   Ang buhay

Diyos Ka Sa Amin Lyrics - Hope Filipino Worship | Tagalog Worship Song | Give Thanks To The Holy One

GIVE THANKS TO THE HOLY ONE Diyos Ka Sa Amin  Lyrics O Diyos, ikaw ang tunay na dakila sa mundo Ikaw ang haring nagmahal ng tulad ko Ginawa Mo'ng lahat Pag-ibig Mo ay tapat at wagas O Diyos, wala nang papantay  Sa kabutihan Mo Ang ngalan Mo'y itataas sa buhay ko Sundin ang loob Mo iparinig ang nais Mo Sa lahat ng panahon, Diyos ka sa amin Sa lahat ng oras, nariyan para sa amin Panginoong Hesus, purihin Ka Dakilain Ka sa buhay ko aking Ama O Diyos, ikaw ang tunay na dakila sa mundo Ikaw ang haring nagmahal ng tulad ko Ginawa Mo'ng lahat Pag-ibig Mo ay tapat at wagas O Diyos, wala nang papantay Sa kabutihan Mo Ang ngalan Mo'y itataas sa buhay ko Sundin ang loob Mo iparinig ang nais Mo Sa lahat ng panahon, Diyos ka sa amin Sa lahat ng oras, nariyan para sa amin Panginoong Hesus, purihin Ka Dakilain Ka sa buhay ko aking Ama Sa lahat ng panahon, Diyos ka sa amin Sa lahat ng oras, nariyan para sa amin Panginoong Hesus, purihin Ka Dakilain Ka sa buhay ko Di nagbabago, Diyos Ka

GIVE THANKS TO THE HOLY ONE | PUSONG DALISAY (LYRICS) - A PURE HEART TAGALOG VERSION | WORSHIP SONG

GIVE THANKS TO THE HOLY ONE Pusong Dalisay Isang pusong dalisay ang aking nais Nalikhain Mo O Diyos para sa akin Isang pusong dalisay ang aking nais Nalikhain Mo O Diyos para sa akin Isang pusong tapat Na sayo'y nagmamahal Isang pusong sayo'y Walang alinlangan Isang pusong tinitibok Na ika'y parangalan Handog ko't pagpupuri Sa'yo lamang alay Isang pusong dalisay ang aking nais Nalikhain Mo O Diyos para sa akin Isang pusong dalisay ang aking nais Nalikhain Mo O Diyos para sa akin Isang pusong tapat Na sayo'y nagmamahal Isang pusong sayo'y Walang alinlangan Isang pusong tinitibok Na ika'y parangalan Handog ko't pagpupuri Sa'yo lamang alay Isang pusong tapat Na sayo'y nagmamahal Isang pusong sayo'y Walang alinlangan Isang pusong tinitibok Na ika'y parangalan Handog ko't pagpupuri Sa'yo lamang alay Handog ko't pagpupuri Handog ko't pagpupuri Video Credit: Pusong Dalisay YOU MAY ALSO LIKE: A CHILD'S PRAYER (LYRICS) | W