Skip to main content

Verse Of The Day | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One 
Give Thanks To The Holy One Verse Of The Day August 31 2020

Verse Of The Day
Huwag mong isipin na napakarunong mo na. Matakot ka sa Panginoon, at huwag gumawa ng masama. - Kawikaan 3:7
Give Thanks To The Holy One Verse Of The Day Photo August 31 2020

Full Chapter
Dagdag na Kahalagahan ng Karunungan
1Anak, huwag mong kalilimutan ang mga itinuturo ko sa iyo. Ingatan mo sa iyong puso ang mga iniuutos ko, 2sapagkat ito ang magpapahaba at magpapaunlad ng iyong buhay. 3Manatili kang mapagmahal at matapat; alalahanin mo itong lagi at itanim sa iyong isipan. 4Kapag ginawa mo ito, malulugod ang Dios pati na ang mga tao.
5Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. 6Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas. 7Huwag mong isipin na napakarunong mo na. Matakot ka sa Panginoon, at huwag gumawa ng masama. 8Para iyon sa ikabubuti at ikalalakas ng iyong katawan. 9Parangalan mo ang Panginoon sa pamamagitan ng paghahandog sa kanya ng mga unang bunga ng iyong ani. 10Kapag ginawa mo ito, mapupuno ng ani ang iyong mga bodega at aapaw ang inumin sa iyong mga sisidlan.
11Anak, huwag mong mamasamain kapag itinatama ka ng Panginoon upang ituwid ang iyong pag-uugali. 12Sapagkat itinutuwid ng Panginoon ang ugali ng kanyang mga minamahal, katulad ng ginagawa ng isang ama sa kanyang anak na kinalulugdan.
13Mapalad ang taong may karunungan at pang-unawa. 14Higit pa ito sa pilak at ginto, 15at sa ano pa mang mga mamahaling bato. Walang anumang bagay ang maaaring ipantay dito. 16Magpapahaba ito ng iyong buhay, magpapaunlad ng iyong kabuhayan at magbibigay sa iyo ng karangalan. 17Ang karunungan ay magpapabuti ng iyong kalagayan. 18Mapalad ang taong may karunungan, dahil magbibigay ito ng mabuti at mahabang buhay.
19-20Sa pamamagitan ng karunungan, nilikha ng Panginoon ang lupa at ang langit, at bumukas ang mga bukal at mula sa mga ulap ay bumuhos ang ulan.
21Anak, ingatan mo ang iyong karunungan at kaalaman sa pagpapasya ng tama. Huwag mong hayaang mawala ito sa iyo. 22Sapagkat ito ang magbibigay sa iyo ng mahaba at magandang buhay. 23Mabubuhay kang ligtas sa anumang kapahamakan. 24Makakatulog ka nang mahimbing at walang kinakatakutan. 25Hindi ka dapat matakot kung biglang dumating ang mga pangyayaring nakakatakot o kung lilipulin na ang masasama, 26dahil makakaasa ka na babantayan ka ng Panginoon at ilalayo sa kapahamakan.
27Hanggaʼt makakaya mo, tulungan mo ang mga dapat tulungan. 28Huwag mo nang ipagpabukas pa, kung kaya mo naman silang tulungan ngayon.
29Huwag mong pagplanuhan ng masama ang kapitbahay mo na nagtitiwala sa iyo.
30Huwag kang makipagtalo sa kapwa mo nang walang sapat na dahilan, lalo na kung wala naman siyang ginawang masama sa iyo.
31Huwag kang mainggit sa taong malupit o gayahin ang kanyang mga ginagawa. 32Sapagkat nasusuklam ang Panginoon sa mga taong baluktot ang pag-iisip, ngunit nagtitiwala siya sa mga namumuhay nang matuwid.
33Isinusumpa ng Panginoon ang sambahayan ng masasama, ngunit pinagpapala niya ang sambahayan ng mga matuwid.
34Hinahamak niya ang mga nanghahamak ng kapwa, ngunit binibiyayaan niya ang mga mapagpakumbaba.
35Ang mga marunong ay pararangalan, ngunit ang mga hangal ay ilalagay sa kahihiyan.

Worship Song Video
Calm And Relaxing Music

Inspirational Quote
The older you get, the more quiet you become. Life humbles you so deeply as you age. You realize how much nonsense you've waste time on.
Give Thanks To The Holy One Inspirational Quote August 31 2020


Related Bible Verse Video

How Are You Feeling Amazed


Comments

POPULAR POSTS

Ang Buhay Ng Kristiyano Ay Masayang Tunay Lyrics | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One Ang Buhay Ng Kristiyano Ay Masayang Tunay Lyrics Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay, masayang tunay Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay I’ve got spirit in my HANDS God Is keeping me alive He’s keeping me alive, keeping me alive I’ve got spirit in my HANDS God Is keeping me alive Jesus is keeping me alive   Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay, masayang tunay Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay   I’ve got spirit in my HEAD God Is keeping me alive He’s keeping me alive, keeping me alive I’ve got spirit in my HEAD God Is keeping me alive Jesus is keeping me alive   Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay, masayang tunay Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay   I’ve got spirit in my SHOULDER God Is keeping me alive He’s keeping me alive, keeping me alive I’ve got spirit in my SHOULDER God Is keeping me alive Jesus is keeping me alive   Ang buhay

Diyos Ka Sa Amin Cover Lyrics | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One Diyos Ka Sa Amin  Lyrics O Diyos, ikaw ang tunay na dakila sa mundo Ikaw ang haring nagmahal ng tulad ko Ginawa Mo'ng lahat Pag-ibig Mo ay tapat at wagas O Diyos, wala nang papantay  Sa kabutihan Mo Ang ngalan Mo'y itataas sa buhay ko Sundin ang loob Mo iparinig ang nais Mo Sa lahat ng panahon, Diyos ka sa amin Sa lahat ng oras, nariyan para sa amin Panginoong Hesus, purihin Ka Dakilain Ka sa buhay ko aking Ama O Diyos, ikaw ang tunay na dakila sa mundo Ikaw ang haring nagmahal ng tulad ko Ginawa Mo'ng lahat Pag-ibig Mo ay tapat at wagas O Diyos, wala nang papantay Sa kabutihan Mo Ang ngalan Mo'y itataas sa buhay ko Sundin ang loob Mo iparinig ang nais Mo Sa lahat ng panahon, Diyos ka sa amin Sa lahat ng oras, nariyan para sa amin Panginoong Hesus, purihin Ka Dakilain Ka sa buhay ko aking Ama Sa lahat ng panahon, Diyos ka sa amin Sa lahat ng oras, nariyan para sa amin Panginoong Hesus, purihin Ka Dakilain Ka sa buhay ko Di nagbabago, Diyos Ka

What Does The Bible Say About Fear | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One What Does The Bible Say About Fear Bible Verse  There is no fear in love, but perfect l ove casts out fear, for fear has to do with punishment, and whoever fears has not reached perfection in love. - 1 John 4:18 Don't be wise in your own eyes; fear the Lord, and turn away from evil. - Proverbs 3:7 for God did not give us a spirit of cowardice, but rather a spirit of power and of love and of self-discipline. - 2 Timothy 1:7 Do not worry about anything, but in everything by prayer and supplication with thanksgiving let your requests be made known to God. - Philippians 4:6 when I am afraid, I put my trust in you. - Psalms 56:3 I sought the Lord, and he answered me, and delivered me from all my fears. - Psalms 34:4 do not fear, for I am with you, do not be afraid, for I am your God; I will strengthen you, I will help you, I will uphold you with my victorious right hand. - Isaiah 41:10 I hereby command you: Be strong and courageous; do not be frightened or

What Does The Bible Say About Faith | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One What Does The Bible Say About Faith  Bible Verse  Ang pananampalataya ay ang katiyakan na matatanggap natin ang mga bagay na inaasahan natin. At ito ay ang pagiging sigurado sa mga bagay na hindi natin nakikita. - Hebreo 11:1  Hindi lang iyan, gamitin din ninyo bilang panangga ang pananampalataya ninyo para hindi kayo tablan ng mga panunukso ni Satanas na parang mga palasong nagliliyab. - Efeso 6:16  Ngunit dapat magtiwala ang humihingi at huwag magduda, dahil ang taong nagdududa ay katulad ng alon sa dagat na tinatangay at pinapadpad ng hangin. - Santiago 1:6   Ipagkatiwala mo sa Panginoon ang lahat ng iyong ginagawa; magtiwala ka sa kanya at tutulungan ka niya. - Salmo 37:5  Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. - Kawikaan 3:5  Patatagin ninyo ang inyong pananampalataya sa Dios at labanan si Satanas. Alalahanin ninyong hindi lang kayo ang naghihirap kundi pati ang mga kapatid n'yo kay Cristo sa bu

Verse Of The Day | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One Verse Of The Day ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit hindi tayo lubusang nalipol. Araw-araw ay ipinapakita niya ang kanyang habag. Dakila ang katapatan ng Panginoon. - Panaghoy 3:22-23 Full Chapter 1 Isa ako sa mga nakaranas ng parusa ng  Panginoon  dahil sa kanyang galit.  2 Pinalayas niya ako at pinalakad sa dilim sa halip na sa liwanag.  3 Paulit-ulit niya akong pinarusahan araw at gabi.  4 Pinahina ang aking katawan at binali ang aking mga buto.  5 Sinalakay niya ako at ibinilanggo sa paghihirap at pagdurusa.  6 Inilagay sa kadiliman na parang isang tao na matagal nang patay.  7 Kinadena niya ako at ikinulong upang hindi makatakas.  8 Kahit na humingi ako ng tulong, hindi niya ako pinakinggan.  9 Hinarangan niya ng pader ang aking landas, at pinaliku-liko ang aking dadaanan.  10 Para siyang oso o leon na nag-aabang  upang salakayin ako .  11 Kinaladkad ako palayo sa daan at pagkatapos ay nilapa at iniwan.  12

What Does The Bible Say About Love | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One What Does The Bible Say About Love Bible Verse  Tatlong bagay ang nananatili: ang pagtitiwala, pag-asa, at pag-ibig. Ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.  - 1 Corinto 13:13 Mga anak, huwag tayong magmahalan sa salita lang, kundi ipakita natin sa gawa na tunay tayong nagmamahalan. - 1 Juan 3:18 Sumagot si Jesus, " Mahalin mo ang Panginoon mong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. -  Mateo 22:37 Walang anumang takot sa pag-ibig ang anumang takot. Kung natatakot man ang isang tao, ito'y dahil sa takot na maparusahan, at ipinapakita lang nito na hindi pa lubos na natupad sa kanya ang pag-ibig. -  1 Juan 4:18 Wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.  Juan 15:13 Magmahalan kayo nang tapat. Iwasan ninyo ang masama at laging gawin ang mabuti. -  Roma 12:9 Ang taong may pag-ibig ay mapagtiis, mabait, hindi marunong mainggit, hindi hambog o

What Does The Bible Say About Healing | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One What Does The Bible Say About Healing Bible Verse  Ang totoo, sinugatan siya dahil sa ating mga pagsuway; binugbog siya dahil sa ating kasamaan. Ang parusang tiniis niya ang naglagay sa atin sa magandang kalagayan. At dahil sa mga sugat niya ay gumaling tayo. -  Isaias 53:5 Ibigay mo sa Panginoon ang iyong mga alalahanin at aalagaan ka niya. Hindi niya pababayaan ang mga matuwid magpakailanman. -  Salmo 55:22 Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo.  –  Isaias 41:10 "Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. -  Mateo 11:28 Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, " Sapat na sa iyo ang aking biyaya, dahil ang kapangyarihan ko'y nakikita sa iyong kahinaan." Kaya buong galak kong ipinagmamalaki ang aking mga kahinaan, nang sa ganoon ay lagi kong mar

Give Thanks Lyrics | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One Give Thanks Lyrics Give thanks with a grateful heart Give thanks to the Holy One  Give thanks because He's given  Jesus Christ, His Son Give thanks with a grateful heart Give thanks to the Holy One Give thanks because He's given Jesus Christ, His Son And now let the weak say, " I am strong" Let the poor say, " I am rich" Because of what the Lord has done for us And now let the weak say, " I am strong" Let the poor say, " I am rich" Because of what the Lord has done for us Give thanks with a grateful heart  Give thanks to the Holy One  Give thanks because He's given  Jesus Christ, His Son Give thanks with a grateful heart Give thanks to the Holy One Give thanks because He's given Jesus Christ, His Son And now let the weak say, " I am strong" Let the poor say, " I am rich" Because of what the Lord has done for us And now let the weak say, " I am strong" Let the poor say, &quo

What Does The Bible Say About Marriage | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One What Does The Bible Say About Marriage Bible Verse  Ngunit dapat ninyong tandaan na sa buhay natin sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki, at kailangan din ng lalaki ang babae. - 1 Corinto 11:11 Dahil kung nagmula ang unang babae sa lalaki, ang lalaki naman ay ipinanganak ng babae; at ang lahat naman ay nagmumula sa Dios. - 1 Corinto 11:12 Kaya nga mga kapatid, mamuhay ang bawat isa sa inyo ayon sa kanyang kalagayan nang tawagin siya ng Dios. - 1 Corinto 7:24 Kaya mamuhay kayo nang ayon sa nais ng Banal na Espiritu para hindi ninyo mapagbigyan ang pagnanasa ng laman. - Galacia 5:16 Kaya tandaan ninyo: anuman ang hilingin ninyo sa Dios sa panalangin, manampalataya kayong natanggap na ninyo ito. at matatanggap nga ninyo. - Marcos 11:24 Sapagkat sinabi ng Panginoon, ang Dios ng Israel, "Ayaw kong maghiwalay ang mag-asawa. Kung hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa, ito'y pagmamalupit sa asawang babae." Kaya siguraduhin ninyong hindi kayo magt

Verse Of The Day | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One Verse Of The Day upang hindi magkaroon ng pagkakahati-hati kundi pagmamalasakit sa isaʼt isa. Kaya kung nasasaktan ang isang parte ng katawan, ang ibang parte ay nasasaktan din. At kung ang isang parte ay pinararangalan, ang ibang parte ay natutuwa rin. Kayong lahat ang bumubuo ng katawan ni Cristo, at ang bawat isaʼy parte ng kanyang katawan. - 1 Corinto 12:25-27 Full Chapter Mga Kaloob ng Banal na Espiritu 1 Ngayon, mga kapatid, nais kong maunawaan ninyo ang tungkol sa mga kaloob ng Banal na Espiritu.  2 Alam naman ninyo na noong hindi pa kayo nakakakilala sa Dios, iniligaw kayo upang sumamba sa mga dios-diosan, na hindi naman nakakapagsalita.  3 Kaya gusto kong malaman ninyo na walang taong pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios ang magsasabi, “Sumpain si Jesus!” At wala ring taong makapagsasabi na, “Si Jesus ay Panginoon,” kung hindi siya pinapatnubayan ng Banal na Espiritu. 4 May ibaʼt iba tayong kaloob, ngunit iisa lang ang Espiritung pinagmulan nito.  5 M