Skip to main content

Verse Of The Day | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One
Give Thanks To The Holy One Verse Of The Day August 30 2020

Verse Of The Day
upang hindi magkaroon ng pagkakahati-hati kundi pagmamalasakit sa isaʼt isa. Kaya kung nasasaktan ang isang parte ng katawan, ang ibang parte ay nasasaktan din. At kung ang isang parte ay pinararangalan, ang ibang parte ay natutuwa rin. Kayong lahat ang bumubuo ng katawan ni Cristo, at ang bawat isaʼy parte ng kanyang katawan. - 1 Corinto 12:25-27
Give Thanks To The Holy One Verse Of The Day Photo August 30 2020

Full Chapter
Mga Kaloob ng Banal na Espiritu
1Ngayon, mga kapatid, nais kong maunawaan ninyo ang tungkol sa mga kaloob ng Banal na Espiritu. 2Alam naman ninyo na noong hindi pa kayo nakakakilala sa Dios, iniligaw kayo upang sumamba sa mga dios-diosan, na hindi naman nakakapagsalita. 3Kaya gusto kong malaman ninyo na walang taong pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios ang magsasabi, “Sumpain si Jesus!” At wala ring taong makapagsasabi na, “Si Jesus ay Panginoon,” kung hindi siya pinapatnubayan ng Banal na Espiritu.
4May ibaʼt iba tayong kaloob, ngunit iisa lang ang Espiritung pinagmulan nito. 5May ibaʼt ibang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lang ang Panginoong pinaglilingkuran natin. 6Ibaʼt iba ang ipinapagawa ng Dios sa atin, ngunit iisa lang ang Dios na nagbibigay sa atin ng kakayahang gawin ang mga ito. 7Ang bawat isa ay binigyan ng kakayahan na nagpapakita na sumasakanya ang Banal na Espiritu, upang makatulong siya sa kapwa niya mananampalataya8Sa isaʼy ipinagkaloob ng Espiritu ang kakayahang maghayag ng kaalaman tungkol sa Dios, at sa isa naman ay ang kakayahang unawain ito. 9Ang ibaʼy pinagkalooban ng Espiritu ng malaking pananalig sa Dios, at ang iba naman ay binigyan ng kakayahang magpagaling sa mga may sakit. 10Ang ibaʼy pinagkalooban ng Espiritu ng kapangyarihang gumawa ng mga himala, at ang iba naman ay binigyan ng kakayahang maghayag ng mensahe ng Dios. Mayroon namang pinagkalooban ng kakayahang makakilala kung ang kapangyarihan ng isang tao ay mula sa Banal na Espiritu o sa masasamang espiritu. Sa ibaʼy ipinagkaloob ang kakayahang magsalita sa ibaʼt ibang wika na hindi nila natutunan, at sa iba naman ay ang kakayahang maipaliwanag ang sinasabi ng mga wikang iyon. 11Ngunit iisang Espiritu lang ang nagbigay ng lahat ng ito, at ipinamamahagi niya sa bawat tao ayon sa kanyang kagustuhan.
Tayoʼy Bahagi ng Iisang Katawan
12Ang katawan ng tao ay binubuo ng maraming parte, ngunit iisa pa ring katawan. Ganoon din sa ating mga mananampalataya na siyang katawan ni Cristo. 13Tayong lahat, Judio man o hindi, alipin o malaya ay nabautismuhan sa iisang Espiritu upang maging isang katawan. At iisang Espiritu rin ang tinanggap nating lahat.
14Ang katawan ay binubuo ng maraming parte at hindi ng isang parte lamang. 15Kaya kung sabihin ng paa, “Dahil hindi ako kamay, hindi ako parte ng katawan,” hindi ito nangangahulugang hindi siya parte ng katawan. 16At kung sabihin naman ng tainga, “Dahil hindi ako mata, hindi ako parte ng katawan,” hindi rin ito nangangahulugang hindi siya parte ng katawan. 17Dahil kung ang buong katawan ay puro mata, paano ito makakarinig? At kung ang katawan ay puro lang tainga, paano ito makakaamoy? 18Ngunit nilikha ng Dios ang ating katawan na may ibaʼt ibang parte ayon sa kanyang nais. 19Kung ang katawan ay binubuo lamang ng isang parte, matatawag pa ba itong katawan? 20Ang totooʼy ang katawan ay binubuo ng maraming parte, ngunit iisang katawan lamang ito.
21Kaya hindi maaaring sabihin ng mata sa kamay, “Hindi kita kailangan,” at hindi rin masasabi ng ulo sa paa, “Hindi kita kailangan.” 22Ang totoo, ang mga parte ng katawan na parang mahina ang siya pang kailangang-kailangan. 23Ang mga parte ng katawan na sa tingin natin ay hindi gaanong mahalaga ay inaalagaan nating mabuti, at ang mga parteng hindi maganda ay ating pinapaganda. 24Hindi na kailangang pagandahin ang mga parteng maganda na. Ganoon din nang isaayos ng Dios ang ating katawan, binigyan niya ng karangalan ang mga parteng hindi gaanong marangal, 25upang hindi magkaroon ng pagkakahati-hati kundi pagmamalasakit sa isaʼt isa. 26Kaya kung nasasaktan ang isang parte ng katawan, ang ibang parte ay nasasaktan din. At kung ang isang parte ay pinararangalan, ang ibang parte ay natutuwa rin.
27Kayong lahat ang bumubuo ng katawan ni Cristo, at ang bawat isaʼy parte ng kanyang katawan. 28At sa katawang ito, na walang iba kundi ang iglesya, naglagay ang Dios ng mga sumusunod: una, mga apostol; pangalawa, mga propeta; pangatlo, mga guro. Naglagay din siya ng mga gumagawa ng mga himala, mga nagpapagaling sa mga may sakit, mga matulungin, mga tagapangasiwa, at mga nagsasalita sa ibaʼt ibang wika na hindi nila natutunan29Alam naman natin na hindi lahat ay apostol; hindi lahat ay propeta o guro. Hindi lahat ay may kapangyarihang gumawa ng mga himala, 30magpagaling ng mga may sakit, makapagsalita sa ibaʼt ibang wika na hindi nila natutunan o magpaliwanag nito. 31Ngunit sikapin ninyong makamtan ang mas mahalagang mga kaloob. At ngayon ay ituturo ko sa inyo ang pinakamabuti sa lahat.

Worship Song Video

Lift Up Your Hands To God


Inspirational Quote
If you want to go quickly, go alone. If you want to go far, go together. 
Give Thanks To The Holy One Inspirational Quote August 30 2020

Related Bible Verse Video

What Does The Bible Say About Love


Comments

POPULAR POSTS

Ang Buhay Ng Kristiyano Ay Masayang Tunay Lyrics | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One Ang Buhay Ng Kristiyano Ay Masayang Tunay Lyrics Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay, masayang tunay Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay I’ve got spirit in my HANDS God Is keeping me alive He’s keeping me alive, keeping me alive I’ve got spirit in my HANDS God Is keeping me alive Jesus is keeping me alive   Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay, masayang tunay Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay   I’ve got spirit in my HEAD God Is keeping me alive He’s keeping me alive, keeping me alive I’ve got spirit in my HEAD God Is keeping me alive Jesus is keeping me alive   Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay, masayang tunay Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay   I’ve got spirit in my SHOULDER God Is keeping me alive He’s keeping me alive, keeping me alive I’ve got spirit in my SHOULDER God Is keeping me alive Jesus is keeping me alive   Ang buhay

Diyos Ka Sa Amin Cover Lyrics | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One Diyos Ka Sa Amin  Lyrics O Diyos, ikaw ang tunay na dakila sa mundo Ikaw ang haring nagmahal ng tulad ko Ginawa Mo'ng lahat Pag-ibig Mo ay tapat at wagas O Diyos, wala nang papantay  Sa kabutihan Mo Ang ngalan Mo'y itataas sa buhay ko Sundin ang loob Mo iparinig ang nais Mo Sa lahat ng panahon, Diyos ka sa amin Sa lahat ng oras, nariyan para sa amin Panginoong Hesus, purihin Ka Dakilain Ka sa buhay ko aking Ama O Diyos, ikaw ang tunay na dakila sa mundo Ikaw ang haring nagmahal ng tulad ko Ginawa Mo'ng lahat Pag-ibig Mo ay tapat at wagas O Diyos, wala nang papantay Sa kabutihan Mo Ang ngalan Mo'y itataas sa buhay ko Sundin ang loob Mo iparinig ang nais Mo Sa lahat ng panahon, Diyos ka sa amin Sa lahat ng oras, nariyan para sa amin Panginoong Hesus, purihin Ka Dakilain Ka sa buhay ko aking Ama Sa lahat ng panahon, Diyos ka sa amin Sa lahat ng oras, nariyan para sa amin Panginoong Hesus, purihin Ka Dakilain Ka sa buhay ko Di nagbabago, Diyos Ka

What Does The Bible Say About Fear | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One What Does The Bible Say About Fear Bible Verse  There is no fear in love, but perfect l ove casts out fear, for fear has to do with punishment, and whoever fears has not reached perfection in love. - 1 John 4:18 Don't be wise in your own eyes; fear the Lord, and turn away from evil. - Proverbs 3:7 for God did not give us a spirit of cowardice, but rather a spirit of power and of love and of self-discipline. - 2 Timothy 1:7 Do not worry about anything, but in everything by prayer and supplication with thanksgiving let your requests be made known to God. - Philippians 4:6 when I am afraid, I put my trust in you. - Psalms 56:3 I sought the Lord, and he answered me, and delivered me from all my fears. - Psalms 34:4 do not fear, for I am with you, do not be afraid, for I am your God; I will strengthen you, I will help you, I will uphold you with my victorious right hand. - Isaiah 41:10 I hereby command you: Be strong and courageous; do not be frightened or

What Does The Bible Say About Faith | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One What Does The Bible Say About Faith  Bible Verse  Ang pananampalataya ay ang katiyakan na matatanggap natin ang mga bagay na inaasahan natin. At ito ay ang pagiging sigurado sa mga bagay na hindi natin nakikita. - Hebreo 11:1  Hindi lang iyan, gamitin din ninyo bilang panangga ang pananampalataya ninyo para hindi kayo tablan ng mga panunukso ni Satanas na parang mga palasong nagliliyab. - Efeso 6:16  Ngunit dapat magtiwala ang humihingi at huwag magduda, dahil ang taong nagdududa ay katulad ng alon sa dagat na tinatangay at pinapadpad ng hangin. - Santiago 1:6   Ipagkatiwala mo sa Panginoon ang lahat ng iyong ginagawa; magtiwala ka sa kanya at tutulungan ka niya. - Salmo 37:5  Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. - Kawikaan 3:5  Patatagin ninyo ang inyong pananampalataya sa Dios at labanan si Satanas. Alalahanin ninyong hindi lang kayo ang naghihirap kundi pati ang mga kapatid n'yo kay Cristo sa bu

Verse Of The Day | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One Verse Of The Day ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit hindi tayo lubusang nalipol. Araw-araw ay ipinapakita niya ang kanyang habag. Dakila ang katapatan ng Panginoon. - Panaghoy 3:22-23 Full Chapter 1 Isa ako sa mga nakaranas ng parusa ng  Panginoon  dahil sa kanyang galit.  2 Pinalayas niya ako at pinalakad sa dilim sa halip na sa liwanag.  3 Paulit-ulit niya akong pinarusahan araw at gabi.  4 Pinahina ang aking katawan at binali ang aking mga buto.  5 Sinalakay niya ako at ibinilanggo sa paghihirap at pagdurusa.  6 Inilagay sa kadiliman na parang isang tao na matagal nang patay.  7 Kinadena niya ako at ikinulong upang hindi makatakas.  8 Kahit na humingi ako ng tulong, hindi niya ako pinakinggan.  9 Hinarangan niya ng pader ang aking landas, at pinaliku-liko ang aking dadaanan.  10 Para siyang oso o leon na nag-aabang  upang salakayin ako .  11 Kinaladkad ako palayo sa daan at pagkatapos ay nilapa at iniwan.  12

What Does The Bible Say About Love | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One What Does The Bible Say About Love Bible Verse  Tatlong bagay ang nananatili: ang pagtitiwala, pag-asa, at pag-ibig. Ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.  - 1 Corinto 13:13 Mga anak, huwag tayong magmahalan sa salita lang, kundi ipakita natin sa gawa na tunay tayong nagmamahalan. - 1 Juan 3:18 Sumagot si Jesus, " Mahalin mo ang Panginoon mong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. -  Mateo 22:37 Walang anumang takot sa pag-ibig ang anumang takot. Kung natatakot man ang isang tao, ito'y dahil sa takot na maparusahan, at ipinapakita lang nito na hindi pa lubos na natupad sa kanya ang pag-ibig. -  1 Juan 4:18 Wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.  Juan 15:13 Magmahalan kayo nang tapat. Iwasan ninyo ang masama at laging gawin ang mabuti. -  Roma 12:9 Ang taong may pag-ibig ay mapagtiis, mabait, hindi marunong mainggit, hindi hambog o

What Does The Bible Say About Healing | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One What Does The Bible Say About Healing Bible Verse  Ang totoo, sinugatan siya dahil sa ating mga pagsuway; binugbog siya dahil sa ating kasamaan. Ang parusang tiniis niya ang naglagay sa atin sa magandang kalagayan. At dahil sa mga sugat niya ay gumaling tayo. -  Isaias 53:5 Ibigay mo sa Panginoon ang iyong mga alalahanin at aalagaan ka niya. Hindi niya pababayaan ang mga matuwid magpakailanman. -  Salmo 55:22 Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo.  –  Isaias 41:10 "Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. -  Mateo 11:28 Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, " Sapat na sa iyo ang aking biyaya, dahil ang kapangyarihan ko'y nakikita sa iyong kahinaan." Kaya buong galak kong ipinagmamalaki ang aking mga kahinaan, nang sa ganoon ay lagi kong mar

Give Thanks Lyrics | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One Give Thanks Lyrics Give thanks with a grateful heart Give thanks to the Holy One  Give thanks because He's given  Jesus Christ, His Son Give thanks with a grateful heart Give thanks to the Holy One Give thanks because He's given Jesus Christ, His Son And now let the weak say, " I am strong" Let the poor say, " I am rich" Because of what the Lord has done for us And now let the weak say, " I am strong" Let the poor say, " I am rich" Because of what the Lord has done for us Give thanks with a grateful heart  Give thanks to the Holy One  Give thanks because He's given  Jesus Christ, His Son Give thanks with a grateful heart Give thanks to the Holy One Give thanks because He's given Jesus Christ, His Son And now let the weak say, " I am strong" Let the poor say, " I am rich" Because of what the Lord has done for us And now let the weak say, " I am strong" Let the poor say, &quo

Verse Of The Day | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One Verse Of The Day Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin. - Roma 8:28 Full Chapter Pamumuhay na Ayon sa Banal na Espiritu 1 Kaya ngayon, hindi na hahatulan ng kaparusahan ang mga nakay Cristo Jesus.  2 Sapagkat sa pakikipag-isa natin kay Cristo Jesus, pinalaya na tayo sa kapangyarihan  ng kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng  Banal na  Espiritu na nagbibigay-buhay.  3 Ang Kautusan ay hindi makapag-aalis ng kapangyarihan ng kasalanan sa ating buhay dahil sa kahinaan ng ating makasalanang pagkatao. Ang Dios ang nag-alis nito nang isinugo niya ang sarili niyang Anak sa anyo ng isang taong makasalanan upang handog para sa ating mga kasalanan. At sa kanyang pagiging tao, tinapos na ng Dios ang kapangyarihan ng kasalanan.  4 Ginawa ito ng Dios para ang ipinatutupad ng Kautusan ay matupad nating mga namumuhay sa patnubay ng  Banal na  Espiritu at hi

What Does The Bible Say About Marriage | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One What Does The Bible Say About Marriage Bible Verse  Ngunit dapat ninyong tandaan na sa buhay natin sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki, at kailangan din ng lalaki ang babae. - 1 Corinto 11:11 Dahil kung nagmula ang unang babae sa lalaki, ang lalaki naman ay ipinanganak ng babae; at ang lahat naman ay nagmumula sa Dios. - 1 Corinto 11:12 Kaya nga mga kapatid, mamuhay ang bawat isa sa inyo ayon sa kanyang kalagayan nang tawagin siya ng Dios. - 1 Corinto 7:24 Kaya mamuhay kayo nang ayon sa nais ng Banal na Espiritu para hindi ninyo mapagbigyan ang pagnanasa ng laman. - Galacia 5:16 Kaya tandaan ninyo: anuman ang hilingin ninyo sa Dios sa panalangin, manampalataya kayong natanggap na ninyo ito. at matatanggap nga ninyo. - Marcos 11:24 Sapagkat sinabi ng Panginoon, ang Dios ng Israel, "Ayaw kong maghiwalay ang mag-asawa. Kung hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa, ito'y pagmamalupit sa asawang babae." Kaya siguraduhin ninyong hindi kayo magt