Skip to main content

How Are You Feeling ANGRY - Give Thanks To The Holy One

GIVE THANKS TO THE HOLY ONE


How Are You Feeling Angry


Ang taong hangal ay hindi makapagpigil sa kanyang galit, ngunit ang taong marunong ay nakapagpipigil ng kanyang sarili. - Kawikaan 29:11

Sapagkat ang galit ay hindi nakakatulong sa tao para maging matuwid sa paningin ng Dios. - Santiago 1:20

Huwag kang magagalit. Pigilan mo ang iyong poot. Ni huwag kang mababalisa, dahil ito sa iyo ay makakasama. - Salmo 37:8

Huwag kayong patatalo sa masama kundi talunin ninyo ang masama sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti. - Roma 12:21

Ang malumanay na sagot ay nakakapawi ng poot, ngunit lalong nakakapagpagalit ang pabalang na sagot. - Kawikaan 15:1

Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti. Ipaubaya ninyo iyan sa Dios. Sapagkat sinabi ng Panginoon sa Kasulatan, "Ako ang maghihiganti; ako ang magpaparusa." - Roma 12:19

Alisin n'yo ang anumang samaan ng loob, galit, pag-aaway, pambubulyaw, paninira sa kapwa, pati na ang lahat ng uri ng masasamang hangarin. - Efeso 4:31

Kapag ginawa n'yo ito, bibigyan kayo ng Dios ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayo'y nakay Cristo Jesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao. - Filipos 4:7

Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo. - Isaias 41:10

Huwag kayong gumawa ng anumang bagay dahil sa makasariling hangarin o sa paghahangad na maitaas ang sarili. Sa halip, magpakumbaba kayo sa isa't isa at ituring na mas mabuti ang iba kaysa sa inyo. - Filipos 2:3

Pero ngayon, dapat na ninyong itakwil ang lahat ng ito: galit, poot, sama ng loob, paninira sa kapwa, at mga bastos na pananalita. - Colosas 3:8

Kaya nga mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo alang-alang sa maraming pagkakataong kinaawaan tayo ng Dios, ibigay ninyo sa kanya ang inyong mga sarili bilang mga handog na buhay, banal at kalugod-lugod sa kanya. Ito ang tunay na pagsamba sa kanya. - Roma 12:1

Huwag maging magagalitin dahil ang pagiging magagalitin ay ugali ng mga hangal. - Mangangaral 7:9

Una sa lahat, ipinapakiusap kong ipanalangin n'yo ang lahat ng tao. Ipaabot ninyo sa Dios ang kahilingan n'yo para sa kanila nang may pasasalamat. - 1 Timoteo 2:1

Higit na mabuti ang taong mapagpasensya kaysa sa taong makapangyarihan. Higit na mabuti ang taong nakakapagpigil sa sarili kaysa sa taong nakakasakop ng isang lungsod. - Kawikaan 16:32

Kung ikaw ay mahinahon, nagpapakita lang na marunong ka. At kung pinapatawad mo ang nagkasala sa iyo, makapagdudulot ito ng karangalan sa iyo. - Kawikaan 19:11

Kaya magpasakop kayo sa Dios. Labanan n'yo ang diyablo at lalayo ito sa inyo. - Santiago 4:7

Kahit na sa buhay na ito'y may mga kaguluhan, ang buhay ko'y inyong iniingatan. Pinarurusahan n'yo ang aking mga kaaway. Inililigtas n'yo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan. - Salmo 138:7

Ang Dios ang ating kanlungan at kalakasan. Siya'y laging nakahandang sumaklolo sa oras ng kagipitan. - Salmo 46:1

Kaya huwag tayong magsasawa sa paggawa ng mabuti, dahil sa tamang panahon matatanggap natin ang ating gantimpala kung hindi tayo susuko. - Galacia 6:9

Ipakita n'yo sa lahat ang kagandahang-loob ninyo. Malapit nang dumating ang Panginoon! - Filipos 4:5

YOU MAY ALSO LIKE:



Comments

MOST VIEWED

GIVE THANKS TO THE HOLY ONE | MANANATILI (LYRICS) - STILL TAGALOG VERSION | CHRISTIAN WORSHIP SONG

GIVE THANKS TO THE HOLY ONE Mananatili  Ikaw lamang Panginoon Kaagapay saan man naroon Suliranin man ay dumating Ikaw lamang O Diyos ang sasambahin Panginoon ko sa 'Yo lamang Mananatili kailan pa man Kapahingahan sa'Yo nakamtan Kapangyarihan Ikaw ang pinagmulan Suliranin man ay dumating Ikaw lamang O Diyos ang sasambahin Panginoon ko sa 'Yo lamang Mananatili kailan pa man Suliranin man ay dumating Ikaw lamang O Diyos ang sasambahin Panginoon ko sa 'Yo lamang Mananatili kailan pa man Kapahingahan sa'Yo nakamtan Kapangyarihan, Ikaw ang pinagmulan Suliranin man ay dumating Ikaw lamang O Diyos ang sasambahin Panginoon ko sa 'Yo lamang Mananatili kailan pa man Suliranin man ay dumating Ikaw lamang O Diyos ang sasambahin Panginoon ko sa 'Yo lamang Mananatili kailan pa man Video Credit: Mananatili YOU MAY ALSO LIKE: HIGIT SA LAHAT (LYRICS) | WORSHIP SONG LEAD ME LORD (LYRICS) | WORSHIP SONG LIFT UP YOUR HANDS (LYRICS) | WORSHIP SONG RELATED POSTS: AUG

Ang Buhay Ng Kristiyano Ay Masayang Tunay Lyrics | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One Ang Buhay Ng Kristiyano Ay Masayang Tunay Lyrics Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay, masayang tunay Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay I’ve got spirit in my HANDS God Is keeping me alive He’s keeping me alive, keeping me alive I’ve got spirit in my HANDS God Is keeping me alive Jesus is keeping me alive   Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay, masayang tunay Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay   I’ve got spirit in my HEAD God Is keeping me alive He’s keeping me alive, keeping me alive I’ve got spirit in my HEAD God Is keeping me alive Jesus is keeping me alive   Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay, masayang tunay Ang buhay ng kristiyano ay masayang tunay Masayang tunay   I’ve got spirit in my SHOULDER God Is keeping me alive He’s keeping me alive, keeping me alive I’ve got spirit in my SHOULDER God Is keeping me alive Jesus is keeping me alive   Ang buhay

Diyos Ka Sa Amin Lyrics - Hope Filipino Worship | Tagalog Worship Song | Give Thanks To The Holy One

GIVE THANKS TO THE HOLY ONE Diyos Ka Sa Amin  Lyrics O Diyos, ikaw ang tunay na dakila sa mundo Ikaw ang haring nagmahal ng tulad ko Ginawa Mo'ng lahat Pag-ibig Mo ay tapat at wagas O Diyos, wala nang papantay  Sa kabutihan Mo Ang ngalan Mo'y itataas sa buhay ko Sundin ang loob Mo iparinig ang nais Mo Sa lahat ng panahon, Diyos ka sa amin Sa lahat ng oras, nariyan para sa amin Panginoong Hesus, purihin Ka Dakilain Ka sa buhay ko aking Ama O Diyos, ikaw ang tunay na dakila sa mundo Ikaw ang haring nagmahal ng tulad ko Ginawa Mo'ng lahat Pag-ibig Mo ay tapat at wagas O Diyos, wala nang papantay Sa kabutihan Mo Ang ngalan Mo'y itataas sa buhay ko Sundin ang loob Mo iparinig ang nais Mo Sa lahat ng panahon, Diyos ka sa amin Sa lahat ng oras, nariyan para sa amin Panginoong Hesus, purihin Ka Dakilain Ka sa buhay ko aking Ama Sa lahat ng panahon, Diyos ka sa amin Sa lahat ng oras, nariyan para sa amin Panginoong Hesus, purihin Ka Dakilain Ka sa buhay ko Di nagbabago, Diyos Ka

GIVE THANKS TO THE HOLY ONE | PUSONG DALISAY (LYRICS) - A PURE HEART TAGALOG VERSION | WORSHIP SONG

GIVE THANKS TO THE HOLY ONE Pusong Dalisay Isang pusong dalisay ang aking nais Nalikhain Mo O Diyos para sa akin Isang pusong dalisay ang aking nais Nalikhain Mo O Diyos para sa akin Isang pusong tapat Na sayo'y nagmamahal Isang pusong sayo'y Walang alinlangan Isang pusong tinitibok Na ika'y parangalan Handog ko't pagpupuri Sa'yo lamang alay Isang pusong dalisay ang aking nais Nalikhain Mo O Diyos para sa akin Isang pusong dalisay ang aking nais Nalikhain Mo O Diyos para sa akin Isang pusong tapat Na sayo'y nagmamahal Isang pusong sayo'y Walang alinlangan Isang pusong tinitibok Na ika'y parangalan Handog ko't pagpupuri Sa'yo lamang alay Isang pusong tapat Na sayo'y nagmamahal Isang pusong sayo'y Walang alinlangan Isang pusong tinitibok Na ika'y parangalan Handog ko't pagpupuri Sa'yo lamang alay Handog ko't pagpupuri Handog ko't pagpupuri Video Credit: Pusong Dalisay YOU MAY ALSO LIKE: A CHILD'S PRAYER (LYRICS) | W

What Does The Bible Say About Healing (Tagalog/Filipino) | Give Thanks To The Holy One

Give Thanks To The Holy One What Does The Bible Say About Healing Ang totoo, sinugatan siya dahil sa ating mga pagsuway; binugbog siya dahil sa ating kasamaan. Ang parusang tiniis niya ang naglagay sa atin sa magandang kalagayan. At dahil sa mga sugat niya ay gumaling tayo. - Isaias 53:5 Ibigay mo sa Panginoon ang iyong mga alalahanin at aalagaan ka niya. Hindi niya pababayaan ang mga matuwid magpakailanman. - Salmo 55:22 Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo. – Isaias 41:10 "Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. - Mateo 11:28 Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, " Sapat na sa iyo ang aking biyaya, dahil ang kapangyarihan ko'y nakikita sa iyong kahinaan." Kaya buong galak kong ipinagmamalaki ang aking mga kahinaan, nang sa ganoon ay lagi kong maranasan ang kapangy