Give Thanks To The Holy One
Dakilang Katapatan Lyrics
Sadyang kay buti ng ating Panginoon
Nagtatapat sa habang panahon
Maging sa kabila ng ating pagkukulang
Biyaya nya'y patuloy na laan
Katulad ng pagsinag ng gintong araw
Patuloy Siyang nagbibigay tanglaw
Kaya sa puso ko't damdamin
Katapatan Nya'y aking pupurihin
Dakila Ka O Diyos tapat Ka ngang tunay
Magmula pa sa ugat ng aming lahi
Mundo'y magunaw man
Maaasahan Kang lagi
Maging hanggang wakas nitong buhay
Kaya O Diyos Ika'y aking pupurihin
Sa buong mundo'y aking aawitin
Dakila ang Iyong katapatan
Pag-ibig Mo'y walang hanggan
Dakila Ka O Diyos tapat Ka ngang tunay
Magmula pa sa ugat ng aming lahi
Mundo'y magunaw man
Maaasahan Kang lagi
Maging hanggang wakas nitong buhay
Dakila Ka O Diyos sa habang panahon
Katapatan Mo'y matibay na sandigan
Sa bawat pighati tagumpay man ay naroon
Daluyan ng pag-asa kung kailanga'y hinahon
Pag-ibig Mong alay sa akin
Noon hanggang ngayon
Dakila Ka, Dakila Ka,
Dakila Ka O Diyos
Comments
Post a Comment